One

2 0 0
                                        

"Ma'am may I go out?"

Hay kating-kati na akong sumilay kay Railey!

"Pangatlong beses mo na 'to sa subject ko, Sansa. Baka mailabas mo na lahat ng likido mo sa katawan"

Napatingin naman sa'kin halos uhm 80% ng klase na kanina lang eh busy na busy kakakopya ng lectures ni ma'am.

Ang sisipag nila. Eh halos 2 months palang naman magmula ng magsimula ng klase.

Or sadyang tamad lang ako kumopya ng lectures?

"Eh hehe, sorry ma'am. Ay isasama ko ng po pala si Jill"

Tumango naman si ma'am at nagpatuloy sa pagsusulat. Hay ang sipag nya talaga!

Tumayo naman mula sa pagkakaupo si Jill. At sumunod si Marie sa kanya. Nagtawanan kami paglabas ng room kasi nag sneak out si Narie.

Pasaway talaga kami.

"Eh nako di ka pa ba kuntento kanina at sisilay ka na naman sa crush mo ha"

Pang aasar ni Jill.

Rerekla-reklamo yan pero sisilay din sya sa jowa nya na nasa ibaba lang ng room namin ang room.

"Keme mo, Jilliana ha! Gusto mo din naman makasilay sa bebe mo!"

Pang aasar ko din. Si Narie, natawa na lang. Sisilay din kasi siya kay Melissa.

Sino si Melissa? At sino ang jowa ni Jill?

Siguro naguguluhan pa kayo no? Mamaya papaliwanag ko sa inyo! Chill muna mga beshywap!

Okay back to reality.

Ilang hakbang na lang malapit na namin madaanan yung room ni Railey takteeee!

(Pang-apat kasi mula sa room namin yung room nila Railey hihi)

At ayun nga. Nasilayan na ng mga mata ko ang--

"Oops. Sinetch yon?"

Bulong ni Jill.

May katabi syang babae.

"Ex na yun ni Railey ha?"
Sabi naman ni Narie.

Natahimik na lang ako.

Oh well. Time to uncrush na.

Pagod na din naman ako pabalik-balik  sa hallway para masilayan si Railey eh :/

Pero Lord gusto ko na sana ng bagong crush ulit. Sana yung nasa room na lang para naman di ko na kailangan pang lumabas lagi para makasilay.

"So okay ka lang ba fren?"

"Oo naman no, kala mo naman Jill. Hahanap na lang ulit akong bagong crush"

Binatukan naman nya ako.

"Sakit ha!"

"Sanay ka namang masaktan??"

Aray ha!

"Tara na nga, magbebreak time na din naman baka maghintay na naman si Mel sakin baka magalit na naman yun"

"Okay na ba kayo Narie?" tanong ko.

"Oo kagabi lang. Buti nga naayos eh kung hindi nako. Lagot sakin yang Sumakabilangbuhay na yan sasakabila talaga buhay nya nang tuluyan"

Natawa kami. Mukhang seryoso sya HAHHAA

Si Mel, ako, si Nerie, at si Jillian ay apat lang sa walong magkakaibigan na natira sa school. Sa ibang school na kasi sila nag senior high. Yung apat. Minsan dumadalaw sila samin pag free time nila or minsan pumunta kami sa bahay ni Vanelope pag walang pasok.

So, si Vanelope, Mira, Max at Zia sila yung apat pa naming kaibigan. Kahit malayo naman kami. Ayos pa din naman yung friendship. So kaming apat nila Mel, Narie, at Jillian nag stay sa school dahil ika nga ni Max, loyal daw kami.

Well. Wink wink.

Si Mel at Narie. Mag on sila since junior high. LOVE WINS!

Hanggang ngayon sila pa din. Okay ipasok na yung linya na sana lahat.

"Anong ulam mo ngayon?"

"Hotdog HAHAHA"

"Nako walang kasawaan sa hotdog ha Sansa"

"Syempre mahilig eh"

Nagtawanan kami. Ako yung joker sa barkada kaya talagang mabubusog sila sa kakatawa dahil skin

"Mga tambay lang kami sawa sa babaeee"

Ayan na naman sila. Nagsama-sama na naman.

"Sis ang pogi na nila no? Parang last year mukha pa silang gusgusin eh" - Jill

"Oo nga. Lalo na yung dalawa"

Sabay nguso dun sa dalawang lalaki na nagtatawanan.

Bigla akong napatitig kay John saka Brenan.

Oo nga no. Ang pogi na nila. Ay este ang laki na nila.

"Lalo na si Brenan..."

Napatingin silang tatlo sakin

"Anong lalo na si Brenan?"

Tanong ni Mel habang natatawa

"Ha?"

Hanggang sa

"HAAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHA"

Di ko gets mga kapatid.

"Sabi kasi ni Narie ang sarap daw ng luto ni Jill"

Pag explain ni Mel.

"Tapos may biglang nagsabi ng Lalo na si Brenan" -Jill

Oh shit.

"Wala! Kala ko kasi pinag uusapan niyo pa sila hmp. Kumain na nga tayo"

Pag iiba ko ng topic. Buti naman umepekto. Huhu

Napatingin ulit ako sa kinaroroonan ni Brenan. Shet. Ang gwapo nga nya. Tumangkad na sya at hay ang cute ng dimple.

Wait.

Wait.

W H A T

WHAT'S THE MEANING OF THIS, SANSA?!

NEW FOUND CRUSH NA BA??? LORD ITO NA BA?











You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You Get MeWhere stories live. Discover now