Chapter 2

7 1 0
                                    



Magunaw na ang mundo makakain lang ako. Ako kasi yun g tipo ng tao na kahit na mukhang bigo ay nakukuha paring kumain. Food is life kaya.



"Hoy Cath! Ano bang nangyayari sayo kanina ka pa nakasimangot" takang tanong ni Ella na may kinakaing junk food. Naglalakad kami ngayon sa soccer field sa school namin.



"Wala" tipid kong sagot nakakalugmok parin kasi yung sinabi ni kuyang nakabangga sakin. What the heck is he? Bakit kailangan kong maramdaman toh? Tsk! Hayaan ko na nga lang tutal makaka get-over din ako sa sinabi nyang yon.



"Weh di nga!" sabat pa ni Eligia. Ganon ba ko kalugmok? As in halata ba talaga?


"Wala nga. Kulit nyo" sabi ko.



"ikaw rin" tugon ni Eligia binalik na nya yung atensyon sa apple na kagat kagat nya.



"Nakausap mo na ba si Ma'am para sa booth ng english club natin?" tanong ni Jonah. Bigla namang pumasok sa ala-ala ko yung nangyari kanina. Pinaalala pa talaga sakin ni Vreak na pumunta ako kay Ma'am after lunch. Naisip ko ulit yung mukha ni Vreak, yung gwapo nyang pagmumukha. Buti nalang may Vreak Constilio that can lift me up when I'm down.



"May tagas din yung utak mo hane? Kanina lang para kang pinagtakluban ng lupa ngayon naman sagad ang ngiti mo hanggang langit." sabi ni Jonah. Dahilan para mawala ako sa pagngiti. Grabe hindi ko na talaga namamalayan ang pagngiti ko kapag laging si Vreak nalang ang pumapasok sa isip ko.



"Hi-hindi rin" pigil ngiti kong sabi kay Jonah. Nagunat nalang ako ng kamay saka medyo binilisan ko yung lakad ko. Pag kasi pinigil ko yung sagad kong ngiti ay mapupunit ang mukha ko.


"Ano bang problema non? Daig pa ang nakadroga?" dinig kong sabi ni Jonah.



"Wag mo nalang pansinin" sabi naman ni Eligia.



Wala na kong pakialam sa kanilang tatlo basta sagad lang akong ngingiti dahil gusto ko. Bakit ba sa kinikilig ako kay Vreak eh.



Kumatok muna ako sa pintuan bago tuluyang pumasok sa faculty office kung saan nag=oofice si Ma'am Arozcaldo. Ang teacher namin sa English. Sunod na pumasok sina Eligia,Jonah at Ella.



"Good non mga magaganda kong anak" energetic na sabi ni Ma'am Arozcaldo. Nakasuot sya ng salamin at di ganong katangkaran. Halos hanggang balikat ko nga lang ata sya. Malaki ang mataat Sobrang tinis pa ng kanyang boses. Sa pagkakaalam ko ay 39 years old na sya pero wala paring asawa.


"Mas maganda ka samin Ma'am" energetic naming bati lalo na ako. Full charge ata to.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To My Dearest PrinceWhere stories live. Discover now