Una

6 0 0
                                        

Muli akong nagpahid ng luha bago itungga ang isa pang bote ng beer. Tanaw na tanaw ko ang maliwanag na buwang napapalibutan ng libo-libong bituwin. Nasaan siya sa mga iyan? Nakikita kaya niya ako mula sa kinaroonan niya? Muling tumulo ang aking luha.

"Bakit ang hirap Eli?" -tanong ko habang nakatingala sa mga tala. Umaasang nakikita niya ako mula doon. "Ang sakit. Ang sakit sakit. Dapat ako yun e. Ako dapat yun e." -muli akong tumungga. Sumasabay sa tahimik na haplos ng malamig na hangin ang pagkaubos ng laman ng mga bote sa tabi ko.

It's his third year death anniversary yet the pain isn't decreasing. "Suck this life!" -itinapon ko sa ibaba ang boteng kauubos ko lang ang laman. Nasa rooftop ako ng inuupahang apartment. Mataas. Mataas ngunit hindi ko pa rin abot ang langit. Tumayo ako mula sa pagkakaupo pagkatapos ay tumingalang muli.

"Ba't ang daya daya mo?! Bat siya pa? Ba't siya na walang ibang ginawa kundi mahalin ako?! Ang buti-buti niyang tao! Bat siya pa ha?!"- nagpunas ako ng luha gamit ang kanang kamay. " Paano na ako?! Siya na lang yung nagmamahal sakin, kinuha mo pa siya!?" -napaupo akong muli dahil sa panginginig.

"putspanginat! Putspa!" -paulit ulit akong nagmura. Umaasang sa pamamagitan non, maiibsan yung sakit ngunit kahit anong gawin ko, walang nagbabago. Muli akong naghagis ng bote. "Langya! Langyang buhay!"

That night changed everything; when a bullet shot him. Hindi para sa kanya ang bala alam ko 'yun. Ako ang puntirya ng kung sino man yung bumaril pero sinalo ni Eli. "Fudge Eli! Sana ako na lang!" -it was my fault. It was mine.

Unti unti konng naramdaman ang panghihina. Napayuko ako habang tahimik na umiiyak. It kills Eli. It's killing me.

"Sabi ko na nga ba dito kita makikita." -napatingin ako sa nagsalita.

"What do you need?" -tanong ko pagkatapos ay ibinaling muli ang mata sa ibang direksiyon.

"I'm just worried. It's his third."-sagot nito at umupo sa tabi ko.

Tinignan ko siya at ganon din siya sa akin. Mapakla akong ngumiti. "I'm fine." -ani ko at umayos ng upo. Ang dalawang paa'y nakakuyakoy sa ere.

"Be careful."

Tinignan ko siyang muli at ngumiti. "Don't worry Markus, hindi ako takot mamatay." -pagkatapos ay mahina akong tumawa.

"Ada, lasing ka ba?" -tanong niya at inilapit ang mukha sa akin upang amuyin ako. Agad akong lumayo sa kanya na naging dahilan para muntikan akong mahulog.

"Hey, sabi ko mag ingat ka."

"Okay lang ako. Umalis ka na."

"No, you're drunk. Baka mapano ka dito."

"Kaya ko ang sarili ko. Umalis ka na."

Tumayo siya at pinagpag ang sarli pagkatapos ay lumapit sa akin at lumuhod.

"What are you doing?" -tanong ko ng buhatin niya ako. Pinagsusuntok ko siya sa dibdib upang ibaba niya ako pero hindi siya natinag.

"Ibaba mo ako ano ba! Ibaba mo ako! Markus! What the hell is wrong with you?!"

Buhat niya ako habang bumababa papuntang ground floor kung nasaan yung kwarto ko. Seriously? Nasisiraan na ba siya? Mula 18th floor?
"Ibaba mo ako kaya kong maglakad."

"No."

"Hindi ako baldado. Ibaba mo ako. Kaya ko ang sarili ko."

Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay tinignan niya lang ako ng masama. Hindi ako takot. Kahit patayin niya pa ako. Wala akong pakialam.

Lalo niyang hinigpitan ang mga braso niya sa katawan ko kaya hindi na din ako nagpumilit pa.
Pagdating namin sa kwarto ko, ibinaba niya ako sa kama pagkatapos ay nagpunta siya sa kusina. Pagbalik niya, may dala na siyang palanggana na may lamang mainit na tubig at alcohol.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jul 16, 2018 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Ada's Secret Donde viven las historias. Descúbrelo ahora