Naghubad ako. Naligo. Naalala ko na naman ang mga pangyayari. Naguguluhan ako. 

Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako.

Umaga na. Pasukan na naman. Practice na naman.

Hindi ko mapigilan ang excitement na aking nararamdaman ngunit kakambal nito ang takot sa di malamang dahilan.

*ten, ten ten"

May tumutugtug ng piano. Nagmadali akong pumunta sa practice room. Ngunit wala. Wala akong nakitang nagppractice sa may piano. Madilim. Madilim sa silid na iyon. Wala pa ang mga kasamahan ko sa chorale.

"Huy."

Nagulat ako. Pero nakahinga ako ng malalim. Akala ko kug sino, si Jen pala.  Nagdatingan narin ang mga kasamahan  namin.

Sa init sa room na iyon. Nakadama kami ng malamig na presensya ng hangin. Binalewala  namin ito sa pagkakataong umuulan noon.

Nagsimula na ang ensayo. Ang crush ko ang mahal ko laging tumingin sa akin. Mukang may pagkalungkot sa kanyang mga mata. Nagpatuloy lang ako sa pagtugtog ng piano.

Natapos na rin ang practice namin.

"Magdasal muna tayo." sabi ng aming guro.

Nagdasal kami sa di malamang dahilan. Pagkatapos nito ay unti unting nag si alisan pauwi.

"May sasabihin ako sayo" lumapit sakin si Jim.

"Ah o-okay" tugon ko.

"Nakita na namin si Akire" sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Nakita nila. Saan. Asan siya. Gusto ko siya makausap.

"Nasa bahay na nila siya. Nakaburol. Isang linggo na pala siyang nawawala. Natagpuan siya sa ilog. Yung kapatid niya nawawala pa."

Nagulat ako. Nanghina sa aking narinig. Nanluluha ang mga mata ko.

Nagsi-uwian na ang lahat. Ako nalang ang natira.

Isinara ko na ang pintuan ng silid. Nagpatuloy sa paglalakad paalis ng eskwelahan.

May tumutugtog ng piano.

Mayroon nga tumutugtug ng piano. Hindi ako ng kakamali. Hindi ako bingi.

Nanginginig ako sa takot. Tumakbo ako ng mabilis pauwi.

Nandito na naman ako sa tatlumpung minuto ng kadiliman. Ng takot. Ng kaba.

Ngunit nagbago ang lahat. Bumilis ang 30 minuto na iniisip kong halos isang oras sa tagal.

Kakaiba ang gabi ng pag uwi ko ngayon. Wala ang batang sumusunod sakin. Wlaang maingay na kaluskos sa paligid. Wala ang takot sa aking katawan.

Narating ko ang bahay namin ng walang pag aalinlangan at takot.

Walang tao. Wala si mama at papa.

Ako lang mag-isa.

Bumalot ang takot sa akin. Ang pakiramdam na dapat kong hindi maramdaman sa bahay bagkus ay sa daang dapat aking tinahak bago makauwi.

Bumigat ang pakiramdam ko. Pumasok ako sa kwarto.

Nagbabakasakaling mawawala ang lahat kug pupunta ako sa lugar na alam kong pinakaligtas ako. Ang kwarto ko.

Ang lamig. Sobrang lamig sa loob.

Naiiyak na ako. Hindi ko namalayan tumutulo na ang luha ko.

Umupo ako sa isang sulok at umiyak. Yumuko ako sa mga tuhod ko at umiyak.

*tak tak*

May lumalakad.

Papalapit.

"Ate, nahanap ko na sya oh."

"Bunso, uwi na tayo hanap ka na nina mama" sabi ng isang pamilyar na boses.

Hindi ako lumingon. Hindi ko kaya. Umiyak lang ako.

"Paano nagawa yun Kira" tanong ng pamilyar na boses.

"Matalik mong kaibigan yun" pinaulit ulit niya.

Hindi ko na napigilan. Tumingin ako . Nakita ko siyang muli. Ang bestfriend ko, si Akire. Kasama ang kapatid niyang si Pot.

Nanginginig ako. Natatakot. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya.  

"A-akire. So-sorry. Hindi ko sinasadya. OO aaminin ko naiinggit ako sayo. Yun ay da-dahil, nasayo na ang lahat! Sorry Akire. Patawin mo ko. Lubayan mo na ko. Maawa ka."

"Bakit naawa ka ba sa amin ate" tanong ni pot.

"Sorry. sorry. sorry." pinaulit ulit ko ang pagsasabi nito. Humina ng humina ang boses ko.

Tumawa si Akire. Ngumiti siya. Lumuha ang kanyang mga mata.

"Walang anuman, matalik kitang kaibigan eh. Basta gusto ko naka pink ka ha. Palaging mog tatandaan mahal na mahal kita. Kahit ano pang nagawa mo, wala yun. Ingatan mo sina mama at papa. Ingatan mo si Jim. Ingatan mo ang sarili mo. Nandito lang ako para bantayan ka, tandaan mo yan" Muli. napatigil ako sa mga sinabi niya. Hinggil sa mga nagawa ko, napatawad nya ko. Umiyak lng ako ng umiyak.

"Sorry Akire mahal rin kita. Wag mong kakalimutan. Sorry sa nagawa ko. Sorry kung napatay kita, pati kapatid ko nadamay. Sorry. Sorry" umiiyak lang ako habang sinasabi ko ang mga salitang yun.

Niyakap nya ako.

Oo. Ako ang pumatay sa kanya. Noong gabing nagtapat sa kanya si Jim sa practice namin. Si Akire, ang bestfriend ko. Ang pinakamagaling na pianist sa chorale. Ang mahal ni Jim. Nasa kanya na ang lahat. Nainggit ako sa kanya. Kaya isang gabi, sa may ilog. Nang sabay kaming umuwi. Naganap ang mga pangyayri. Napatay ko siya. Hindi. PINATAY ko siya. Galit ako nun. Kaya hindi ko nacontrol ang sarili ko. Sa kasamaan palad nakita ito ng kapatid niya na laging sumusunod sa amin sa pag uwi, si Potpot. Dahil sa natakot akong magsumbong ito pinatay ko rin siya. Pinaanod ang bangkay sa ilog. Itinago ko ang lahat sa mga tao. Natakot ako. Dahil sa inggit nawala ang bestfriend ko. Dahil na rin sa akin.

Napamulat ako. Wala na siya. Nakahiga na ako sa aking kama. Umaga na. Isang bagong araw. Bagong buhay.

Nagpatuloy lang ako sa normal na buhay ko araw-araw. Pumasok sa school. Magpractice. Umuwi.

Matapos kaming magpractice ng araw na iyon. Naglalakad na kong muli pauwi. Tumutugtog ang piano sa practice room.

Si Akire. Alam kong sya yun. Ngumiti ako at napaiyak. Kahit na marami akong di magandang nagawa sa kanya. Andiyan parin siya binabantayan ako. Hindi siya nawala. Andito palagi siya sa puso ko at sa tabi ko, binabantayan ako.

Mula noon pinangako ko na ang piano ang magiging buhay ko. Iaalay ko ang buhay ko para sa pangarap niya. Ang maging isang sikat na pianist. Gamit ang pianong ito, ang piano niya, bubuin ko ang mga pangarap niya at ang pangarap ko na rin.

The PianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon