"Sir Arive." matipid kong saad at sinabayan na siya sa paglalakad.

"Kapag nasa labas ng kompanya ay Ludwieg na lamang ang itawag mo sa akin. Hindi na ako tatamarin mag fieldwork dahil narito ka na. Haha." he gave me a boyish grin na ikina-ngisi ko din.

"Pagkapasa mo sa board exam ay dito ka sa Centerplan mag-trabaho ha?" masuyo at sincere niyang paanyaya sa akin.

"Certainly." makahulugan kong sagot at binalewala na lamang ang pagkunot ng kanyang noo. Haha. Siyempre sa Centerplan ako magtatrabaho dahil anak ako ng CEO. Haha. What the hell.

"Cueva! Ang swerte mo naman may maganda ka ngang trainee. Sayang at hindi napunta sa akin si Ms. Romualde." nakita ko ang pag-iba ng aura ni Nathaniel ngunit agad din iyong naglaho. Selos ba 'yon? I hope so.

"Off limits Arive. Mag-trabaho ka nga dude. Haha." pabirong hinampas ni Nathaniel ng drawing tube si Ludwieg na ikinatawa lang nito. Ilang sandali ay tungkol na sa trabaho ang pinag-uusapang nilang dalawa habang kami naman ni Miel ay tahimik lang nag-oobserba o kaya naman ay magbibigay ng suggestion kung tatanungin kami ni Nathaniel.

Ilang oras din kaming nagtagal sa site at alas-diyes na ng umaga ng maisip ni Nathaniel na bumalik sa opisina, aniya'y makaka-abot pa daw kami sa lunch time. Pasakay na sana kami ng sasakyan ng harangin ako ni Ludwieg na ikinagulat ko, tumingin muna ako kay Nathaniel na ngayon ay madilim ang mukha.

"Sa last week of July ay magkakaroon ng party sa Centerplan. Sa pagkakaalam ko ay imbitado din ang OJT's. Can you be my date Nathalia?" Damn! He's hitting on me! Hindi naman sa nagmamaganda ako pero sa paraan niya'y alam kong pinopormahan niya ako. I swallowed an imaginary lump. Bakit sa harapan pa ni Nathaniel? Ayokong maakusahan ng kahit ano.

"Ehem. Nathalia, what's your answer then?" makahulugan at mapang-uyam ang tanong ni Nathaniel at sa mga mata niya ay nagsasabing Dont-You-Dare look. Naiipit ako!

"Hindi po ako mahilig sa party Sir. Hehe." ang awkward ha! Pinagpawisan ako ng malamig. Sinulyapan ko si Nathaniel at tinaasan lang niya ako ng kilay at umismid. Sorry na, ang ganda ng asawa mo eh.

"Let me know kung pupunta ka Nathalia, masaya ron. Ikaw Cueva si Eula ba ang date mo?" si Eula na naman?! Ihanda na ni Nathaniel ang bullet proof vest niya at siguradong babarilin siya ng armalite ni daddy kapag isinama niya si Eula as date.

"Yes. I'll bring my WIFE." nanlalaki ang mga mata kong nilingon si Nathaniel ngunit hindi niya ako tinignan at sumakay na sakanyang kotse. Did he just say WIFE?! Ako yun diba?! Siniko ako ni Miel na katulad ko ay gulat din sa sinabi ni Nate.

"May asawa na pala si Sir. Huhu. Nakakainis!" what do you mean by 'sayang' Miel? Tss. Hindi ko na siya pinansin at padabog na sumakay sa front seat. Kinawayan ako ni Ludwieg at sinuklian ko naman iyon ng hilaw na ngisi.

"Talaga? You'll bring me to that party?" mangha kong tanong sa kanya ngunit nanahimik lamang siya. Okay! I get it! Sumakay na si Miel sa backseat at pinaandar na ni Nathaniel at kotse. Una'y tahimik kaming tatlo ngunit binasag rin 'yon ng kadaldalan ni Miel.

"Sir may asawa na po pala kayo! Ang bata niyo naman pong nag-asawa! Ang aga niyong nagpatali!" I rolled my eyes and smirk. Ngumisi lang si Nathaniel na para bang naaaliw sa topic na 'yon.

"Unfortunately married. Haha! Three years na akong kasal." inismiran lamang ako ni Nathaniel at hindi maitago ang amusement niya. Unfortunately married? Tss.

"Edi may anak na po kayo Sir? Wow! Ang bata niyo pa talaga Sir!" so nasasayangan ka kay Nathaniel? Tss. Swerte nga niya eh. Tumawa si Nathaniel at pinaglaruan ang kanyang lower lip. Geez!! Kakagatin ko yang labing yan eh!

The Virgin's First Night 7: It Takes Two To TangoWhere stories live. Discover now