3A

162 5 2
                                    

Malaking hikab ang pinakawalan ni Donny matapos magpark ng car, it's 8:30 am kakauwi niya lang  from night shift. He works as a nurse sa isang children's hospital sa Bristish Columbia, he's life is just about right. He has been living alone for the past 3 years, noong dumating siya sa Canada ay tulad din siya ng ibang mga Filipino na halos tatlong trabaho ang pinagsasabay sabay, but he worked hard to upgrade his status, at ngayon nga ay nurse na siya at nag eenjoy nalang sa buhay. He never thought of going back to the Philippines, bakit pa nga ba eh maganda na ang buhay niya dito, ayaw na niya ng stress sa pinas, kaya nga siya umalis dahil pagod na siya sa ganoong buhay. May isang tao lang naman na kapag naiisip niya ay parang hinahila ang  mga paa niya pabalik, but its not like before, he is not the same person alam niyang he would never deserve to be with her again.

Naglakad siya papunta sa front door, dahil nasa likod ang parking ay kailngan niyang umikot sa kabilang dulo ng mga townhouses para makarating sa front door ng unit, may snow parin sa paligid, patapos na ang winter pero may pahabol pa na snow the past few days, he was browsing his phone whie walking, napahinto siya sa paglalakad ng matanaw ang isang babaeng nakatayo sa harap ng kanyang bahay, she's wearing a red coat and a black beret, di ito gaanong matangkad at sakto lang din ang pangangatawan nito, hindi niya gaanong makita ang mukha nito dahil bahagyang natatabingan ng itim nitong buhok ang mukha. He didn't want to approach her hanggang di niya nasisiguro kung sino ito. She slightly turned her head ng maramdaman ang presensiya niya, at para bang tumigil ang mundo ni niya ng makilala kung sino ang naghihintay, she is more beautiful now, her white face, her red lips, her eyes, her smile. Nang makita siya ay napangiti ito na para bang nakakita ng liwanag, she stepped forward at hindi mainitindihan ni Donny kung bakit parang napako siya sa kinakatayuan, he felt his heart beating so fast kaya naman di niya naiwasang napaatras nang kaunting hakbang nalang ang pahitan nila.

Napahinto naman si Shar sa paglapit ng makita niyang napahakbang paatras si Donny. She felt disappointed sa ginawa nito. She stared at him and so did he, nang makabawi sa pagkabigla ay umayos ito ng tayo at sumeryoso ng tingin.

"ehem.." he cleared his voice first. "Shar?"

"hi Donny"

Bumilis ang mga pangyayari, nasa loob na sila ngayon ng kanyang bahay at nakaupo sa sala, nasa magkabilang dulo sila ng living room, at walang may gustong magsalita. Nakatitig lang si Donny kay Shar, he's been examining her face since she sat there in front of him.

"ang ganda naman ng bahay mo" si Shar na ang tumapos sa katahimikan habng iniikot ang tingin sa paligid, nacoconscious narin kasi siya sa pagtitig nito sa kanya.

"thanks, so what brought you here?" seryosong tanong nito.

"ahm, ikakasal na kasi si Miles at Marco, nareceive mo ba yung invitation nila?"

"I did, but that's not my point, if they're getting married then why are you here...in my place?"

"kwan kasi...ahm...nasa California pa sila, next week pa ang balik nila Abbotsford, kaya nagbakasali ako kung pwede sanang..." hindi niya alam kung paano sasabihin kay Donny kung pwede muna siyang makituloy sa bahay nito, totoo naman na isa sa mga dahilan niya ay ang kasal ni Miles pero siyempre di namn niya sasabihin kay Donny na ito talaga ang pakay niya sa pagpunta sa Canada.

"pwede sanang makituloy muna ako sayo"

"NO!" seryoso uli na sagot nito.

Nanlaki ang mga mata ni Shar sa naging sagot nito.Paano na ang plano niya????

"Please Donny, I promise hindi ako magiging pabigat, you wouldn't need to take care of me, magiging para akong cactus, kung gusto mo ipagluluto pa kita, maglilinis ako ng bahay, kahit ano patirahin mo lang ako dito hanggang sa dumating si Miles at Marco." nagmamakaawa na siya dito.

"maraming airbnb dito I can help you find one, you can't stay here and that's final" tumayo na ito hinintay siyang tumayo but she didn't. Shar mag isip ka dali !!!you can't leave, kailangan mag stay ka dito!!!

"parang nahihilo ako...ang haba kasi ng biyahe, wala pa akong tulog at kain, hayyy' lalo niya pang inislide ang katawan sa couch at pumikit.

"hindi ko na yata kayang bumangon,,,hayyy ang sakit ng buong katawan ko, ang ginaw pa sa labas" ginalingan na niya nag acting.

"laos na yang acting mo sakin Shar, now get up"

"Donny please pumayag kana, dito nalang ako kahit one week lang"

"no"

"5 days"- "No!"

"3 days?"- "ayaw mo talagang tumigil noh?" pagive up na sagot ni Donny. Ngumiti lang ng matamis si Shar sa kanya, alam nitong bibigay na siya, hindi din naman niyang masikmurang paalisin si Shar pero ayaw niya talaga ng presensiya nito sa bahay niya. He'll go crazy ...

"bahala ka na nga, matutulog na ako" masyado na siyang pagod para makipagtalo dito.

"yes!!! yes!! salamat talaga Dodong" ngtatalon si Shar at saka nag bow ng ilang ulit sa kanya.

He misses that nick, ito lang ang tumatawag sa kanya ng ganoon, pilit niyang pinigil ang ngiti, he could hug her now but he might not be able to let go if he did kaya't lalo nalang niyang pinaseryoso ang mukha at naglakad na siya papunta sa hagdan ng muli siyang tawagin ni Shar.

"San pala ang room ko Donny?"

"may isang room sa basement and dont touch anything" he answered without looking at her at nagpatuloy na siya sa pag akyat.

Nang makarating sa kwarto ay napasandal si Donny sa pintuan, tama nga ba yung ginawa niya? Ngayon palang ay sari saring emosyon na ang nararamdaman niya. Ahhhh bahala na na!! he took a shower at saka dumitetso sa kama.

Naiwan namang mag isa si Shar sa living room, masayang masaya siya dahil wakas makakasama niya uli si Donny. Inilibot niya ang paningin sa paligid, malinis ang buong bahay, minimal ang mga furniture at halos lahat ay napakamusculine ng disenyo. She stood in front of  the window, may mga larawan dun na nakaframe, mga pictures ni Donny na kuha sa apat na  season, may kuha ng summer, fall, winter at spring. Maganda ang ngiti nito sa lahat ng kuha, He's still handsome like he used to. Mapula ang pouty lips nito, makapal ang mga kilay at laging buhay ang mga mata, however, he looks more mature now seryoso ang mga tingin nito sa kanya ni hindi manlang niya itong nakitang ngumiti tulad ng sa larawan. She can't help but think na baka nga  wala na talagang nararamdaman ito para sa kanya.

"no Shar! don't give up, mamahalin ka niya uli"

***6 years ago***

Matagal na siyang nakatayo sa likod ng puno, he was watching her while she's sitting on the swing, she looked so perfect and innocent, nakabraid ang mahabang buhok nito, she always had that milky white skin and pinkish cheeks, not only that she is the most amazing person he had ever met, his source of joy and hope but the best thing about her is--she's his...not for long coz it will be over soon.

Huminga muna siya ng malalim bago naglakad palapit dito...

Love is patient and kindWhere stories live. Discover now