Sampung hakbang

3 0 0
                                        

Pakiramdam ko nasa gitna ako ng kawalan.

Hindi ko alam.

Ano bang nangyayari sa Mundo? Kasi parang huminto na ito para sakin.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako papunta.

Nasa gitna ako ng kalsadang walang hangan.

Nasa gitna ako, at Hindi ko makita ang dulo.

Nasa gitna ako, at Hindi ko alam kung saan ako dapat pumunta.

Hindi ko alam kung pano ako dapat magsimula.

Nandito ako. Nakatayo. Naghihintay.

Naghihintay ng ano?

Hindi ko alam.

Lahat sila gumagalaw. Lahat sila lumalakad.

Should I go to the same direction as them?

Should I follow the crowd?

I'm walking mindlessly and barefoot.

Naliligaw ako.

Pilit Kong tinatanaw ang dulo ng kalsada kahit ang labo na ng mga mata ko dahil sa luha at puno na ng sugat at paltos ang aking mga paa.

Hindi na ako umuusad. Hindi na umaandar.

Kinalawang na.

Bakit sila dire diretso? Bakit ang layo na ng narating nila?

Some people just don't have it easy. And unfortunately, I'm one of them.

Isa, dalawa.

Ang bigat ng aking mga paa.

Tatlo, apat.

Ang mga paa ko, puno na ng sugat.

Lima, anim.

Bakit ang kalsada'y napaka dilim?

Pito, walo.

Hihinto ba o tatakbo?

Siyam, sampu.

Ano nga ba ang pang sampu?

Nawala na ako sa bilang.

Chasing CarsWhere stories live. Discover now