"Fvck! Stop it, Laniel. Nakakadiri ka!"

"What is diri?" He innocently ask. Heto na naman siya.

"Gross," pagsasagot ni Keijer.

"Disgusting," si Mika.

"Unpleasant." Si Keijer uli.

"Ewwy," si Max.

Tila ay namangha si Laniel sa sinabi ni Max.

"Wow, dude. You know that word?"

Nagyabang naman ang isa. "Of course, I have a good tutor. She is so magaling and maganda din." At humagikhik na parang bakla.

"Wow! Ako kaya bin?" sabi ni Laniel.

Hindi ko ba alam kung gaano na ba talaga kaluwag ang turnilyo niya sa utak niya. Highschool ay dito siya nagtapos kahit na half French, half Kano siya. Dito din iyan nagtapos ng kolehiyo maging nang nagtrabaho na sila, nakabuntot pa din siya sa mga kaibigan niya, kung sino- sino na lang ang binubulabog niya. Napapaisip ka nga e, para saan ang pagtatapos niya ng business management kung hindi magtatrabaho iyan, mabuti hindi pa iyan naba- bankrupt dahil ni isa hindi ko pa iyan nakita o narinig sa mga kaibigan niya na nagtatrbaho ang isang iyan. Tapos ang lakas ng loob na  manirahan dito sa pilipinas at magsalita ng tagalog e hindi naman niya pala alam kung ano ang sinasabi niya.

"It's din, not bin, Laniel." Sabi ni Vizier.

"Ah, diba pala iyon? Pagkabasa ko kasi sa dictionary Bin e, kasalan ko bang nadudol ako ng D sa B." Huh?

"Nabudol." Pagtatama ni Mika.

"Ahh.." Sabi niya na para bang naunawaan na niya.

"Ano ba iyon, Mika?" Tanong niya.

Napailing na lang si Mika. Nilinhon kami ni Max.

"Oo nga pala, bakit kayo nandidito?" Tanong niya. Napatingin sa akin si Mika.

"Hoy! Vizier, may gagawin kaming party mamaya."

"Anong party?"

"Bridal shower, at syempre bawal kayo doon. Bakit? Dapat may party kami aba! Bakit, ikaw, Vizier wala?" Umiling siya.

"Hala! Tayo din dapat, baby V!" Pasigaw ni Laniel.

"Yeah, dapat meron din kayo para hindi na kayo manggulo pa sa amin, lalo ka na Vizier kay Mika"

"But—"

Tinuro ko siya ng hintuturo ko. "No buts. Sige, alis na kami. Boys?"

"Yes, señorita baby?" Si Keijer.
"Yes, Honey?" Si Max.
"Yes, mommy?" Si Laniel. Napairap na lang ako sa kanya.

"Behave. Kayo na ang bahala sa kanya." and I wink at them.

"Bye- bye." At tuluyan ng umalis, hindi na pinagsalita pa si Vizier.

"Niana naman e! Ano ka ba?!" nagmamaktol niyang wika ng nakalabas na kami.

"Ano na namang ginawa ko?"

"Bakit sila meron din? E papaano na iyan? Baka akitin siya ng mga lintad na iyon? Iiwan na niya ako!" Naghihisteryang wika niya. So negga!

"Psh! Don't be, Mika! Ikaw naman! Mahal ka ni Vizier, ikakasal na kayo, kaya wala na iyan."

Natapos na ang ilang oras pero mukhang mas nageenjoy pa kami kaysa sa bride. Heck?

Ano pa ba? Ow, the macho dancers.

Eight Letters (CS #1)Where stories live. Discover now