00: 'pag ba nagpakasal kami, ako ang magpapalit ng apelyido?

105 5 5
                                    


Kung may isa man akong natutunan sa mga KDrama na pinapanood ng kapatid ko, eto 'yun: Maghanap ka ng Prince Charming na mayaman.

Una, 'di mo na kailangang kumayod. Go lang sa pagpapakatimawa mo sa pagkain. May sponsor ka naman e. May shiny credit card sila na 'di nauubusan ng laman. Paswipe-swipe lang sila sa mga mall at restaurant.

Ikalawa, madali ka nilang mapupuntahan kung kailangan mo sila. Ang galing ng timing nila lagi e - palibhasa, mga nakakotseng mamahalin. Mabibilis - kakatawag mo pa lang ng "Baby, I need you", mga three minutes lang ando'n na sila. Malay ba natin baka may teleporter na rin sila. Gano'n kayaman e.

Ikatlo, napakagwapo nila. Bwiset, nakakawala ng confidence ang mga picture nila e. Akala ko dati, gwapo na ako. Then I discovered na kaitsura ko lang ang mga talampakan at kili-kili nila. Jusme, kahit nga ako kinikilig ng konti 'pag ngumingiti sila e.

Looks, money, charm. Parang real-life fairytale kapag nakahanap ka na ng Prince Charming na mayaman. On the way ka na sa happy ending mo.

Ang problema nga lang ... lalaki ako.

Kaya ang ginawa ko? Naghanap ng Princess Charming. 

Pero dahil ako si Lope Miranda, hari ng kamalasan, ang napagdesisyunan kong ligawan ay si Georgina Madeleine De Luna - ang pinakasira-ulo, maton, at warfreak na prinsesa sa balat ng lupa. 


Fall for Me, De LunaWhere stories live. Discover now