25

26 1 0
                                    

“Kapag ginawan ka ng tula, mahalaga ka.”

Bigla kong naalala 'yong taong ginawan ko ng tula.
Hindi maganda, ngunit aaminin kong bawat salitang nabuo roon ay sa puso ko nagmula.
Hindi man gano'n kagarbo bawat salitang ipinahayag, ngunit aaminin kong pinag-isipan ko iyong talaga.
Hindi man mahaba, ngunit alam kong sapat na iyon para sa kaniya'y ipadama,
Kung paano unti-unti niyang kinuha ang puso ko at hanggang ngayon ay hindi na naibalik pa.
Wal lang, bigla ko lang siyang naalala.
Naalala ko kung paano kami nagsimulang dalawa;
Mula sa maiikling mga mensahe hanggang sa naging nobela na,
at ayon na nga,
nakuha na nga,
kaya't hindi na ako pumalag pa.

Kapag ginawan ka ng tula, mahalaga ka.
Totoo ba ang mga salitang ito o baka gusto lang akong saktan nito?
Kasi wala man siyang sinabi, ngunit pinaramdam niya sa 'king mahalaga ako.
Inaalala,
kinukumusta kung ayos lang ba ako.
Syempre, bilang isang marupok na binibini kaya bumigay ako.

Kapag ginawan ka ng tula, mahalaga ka.
Noong araw pa lang na iyon ay nagsimula na akong humabi ng mga salita.
Pinagsama-sama sa iisang kuwaderno hanggang sa ito'y mabuo na.
Isang simpleng piyesa lamang, ngunit nagsusumigaw bawat damdamin sa mga salita.
Na sana,
sana sagutin niya rin ito sa pamamagitan ng isang tula.

Kapag ginawan ka ng tula, mahalaga ka.
Mahal, ginawan kita ng tula dahil sa 'ki'y mahalaga ka.
Naghintay ako,
Umasa, ngunit bakit 'yong sagot mo'y wala pa?
Mahal, nasaan na 'yong tula?
Mahal, bakit wala pa?
Ibig sabihin ba nito'y...hindi naman talaga ako mahalaga? 
Tangina mo, mahal ba't nagpaasa ka?
O sadyang ako lang talaga 'tong makulit at assumera?
Pero tangina mo pa rin, mahal.
—Arcadia

Tula ng hindi MakataWhere stories live. Discover now