1S

300 5 0
                                    

Sumulyap si Shar sa phone na ngbavibrate sa dashboard, kanina pa ito ring nang ring at naiirita na talaga siya. Alam nya kung sino ang tumatawag at kahit anong gawin nyang iwas alam niyang hindi titigil ang taong yun hanggang di nya sinasagot ang phone, kaya napilitan siyang sagutin ito sa car kit.

"Shar! thank God, nasan kana" nag-aalalang tanong ni Robi. "Shar let's talk, alam kong nabigla  ka sa lahat ng nangyari, there's alot of things that I need to discuss with you, you can't just escape like that"

Hindi niya magawang sumagot, she feels like she's choking right now, naramdaman  nalang niyang tumutulo na ang mga luha at tanging hikbi nalang ang naririnig ni Robi mula sa kabilang linya.

Beeeeeeeeeppppppppp!!!!!

Nagulat si Shar sa sunod sunod na busina ng mga sasakyan,  nagpalit na pala ng kulay ang traffic light at umusad na ang mag sasakyan sa harapan nya at siya nalang ang bukod tanging nag papahaba ng traffic. Dali-dali niyang pinahid ang luha at nagpatuloy na sa pagdrive, sa kabilang linya ay patuloy parin sa pag sasalita si Robi, madami itong sinasabi na hindi niya maintindihan, pakiramdam niya'y lumilipad ang isip niya at ang tanging gusto niya lang ang katahimikan. Inihinto niya ang kotse sa isang park upang makapag isip nang maayos.

"Shar, are you still there? please answer me..." pakiusap nito.

"I'm here" sagot niya.

"When is the soonest time na pwede tayong magkita?"

"I'll call you" yun lang at pinindot na niya ang end call button.

"Anu na ngayon ang  plano mo Shar? 25 years old ka palang, wala ka pa ring nararating sa buhay, tapos ngayon, may mas malaki ka nanamang problema? kailan ka ba talaga sasaya?" ito nanaman kinakausap ang sarili, kahit alam niyang wala nang sasagot sa mga tanong na yun.

"Bahala na, God nandyan ka naman di ba? alam kong hindi Nyo po ako pababayaan" she took one deep breath and went on her way.

Hating gabi na ay hindi parin dalawin ng antok si Shar, it's been a long day for her, hindi niya alam kung paano dadalawin ng antok kaya ipinasya nyang bumaba at uminom ng gatas, on her way to the kitchen napansin niyang nakabukas pa ang ilaw sa counter, napahinto siya sa pag lalakad at dahan dahang sinilip kung sino ang nandun. Napangiti siya ng makita ang isang binatilyo na nakaharap sa kitchen counter at kumakain ng cereals, agad nagliwanag ang mukha nito ng makita siya.

"ate, bat gising ka pa?"

"wala lang di ako makatulog, eh ikaw bakit ang aga mo yatang  mgbreakfast?" natatawang tanong nya dito, saka nya tinabihan ito sa table.

Agad naman itong lumapit sa Ref, "2% or skimmed?" tanong nito habang kumukuha ng narin ng baso.

"skimmed, salamat" nakangiting baling nya dito. Nagsalin si Clark ng gatas saka ipinasko sa microwave, tinaktakan pa nito ng kaunting cinnamon powder bago inabot sa kanya,naupo din ito sa tabi niya at pinagpatuloy ang pagkain.

"hmn, just what I needed" sinimsim nya ang gatas at saglit na isinandal ang ulo sa balikat ng kapatid. Kahit paanoy nabawasan ang nararamdaman niyang lungkot kapag kasama ito. Sila na lamang tatlo ng kanyang mama at Clark na magkakasama, 5 years na din buhat ng pumanaw ang kanilang papa at simula noon ay siya na ang nagtaguyod sa pamilya nila.

"ate ok ka lang ba? parang matamlay ka yata ngayon?" tinignan siya nito ng may pagtataka.

"bat mo naman nasabi?" pabuntong hiningang sagot niya saka muling uminom ng gatas.

"ok lang ako Clark, don't worry" pilit niyang pinasigla ang boses saka ginulo ang buhok ng kapatid.

"sigurado ka ate? o baka naman iniisip mo parin si kuya Donny? uyyy si ate di parin maka get over, namimiss mo parin si kuya noh?" pang aasar nito.

"yun? baka nga hindi na ako naiisip nun, I'm sure nakalimutan na ako nun" naiiling na sagot nya.

"ate di natin alam yun, malay mo mahal ka parin pala nya, saka baka namn sa huli kayo parin di ba?"

"Clark, iniwan nga ako di ba? saka ang tagal na nun, masaya na ako ngayon at sigurado masaya na din siya, hindi na nga umuwi ehh di ba" pilit niyang kinukumbinsi ang kausap o mas tamang sabihin na kinukumbinsi nya ang sarili na kahit kailan hindi na sila magkakabalikan ni Donny.

"eh panu mo nalaman ate na hindi na siya bumalik dito kahit kailan? malay mo naman bumalik pala siya?"

"pero hindi na para makita ako, saka bro may kanya kanya na kaming buhay, baka nga nag asawa na yun" "wag naman sana" sigawa ng isip niya.

"eh bakit kasi hindi nalang ikaw yung gumawa ng way para mgkita kayo uli ate? kesa puro tayo assumptions dito, saka para masagot mo na din lahat ng tanong mo, unfinished business mo yun, saka ate nakita ko kung gaano mo katagal na iniyakan si kuya Donny, kaya nga hanggang ngayon di kapa rin nagkakaboyfriend?"

"kailan ka pa naging expert sa love huh? hahahhahaha, kung ako sayo boy, matulog kana dahil ako inaantok na" pagkakaila niya at iniwan na ito sa kusina ngunit bago pa man siya makaakyat sa hagdan ay may pahabol pa itong kantyaw.

"7300 Minoru Blvd., Richmond, BC yan ang address ni kuya Donny sa Canada, just in case magbago isip mo ate" pagkasabi nun ay nilagpasan siya nito sa hagdan at tuloy tuloy na umakyat sa kwarto.

Saglit siyang natulala sa narinig, nang makabawi ay agad siyang humabol kay Clark sa taas ngunit nakapasok na ito sa silid, kinatok niya ito ng kinatok at paulit ulit na tinanong kung paano nito nalaman ang information na iyon tungkol kay Donny. "hoy Clark anu ba buksan mo nga itong pinto, panu mo nalaman yun? Clark, Clark, isa, dalawa, tat" hindi ito nagbukas ng pinto instead ay may inislide itong paper sa ilalim ng pinto, agad iyong kinuha ni Shar at binasa, at muli nakasulat doon ang address ni Donny na may smiley pa sa  huli.

Hindi na siya nagpumilit na kausapin si Clark, ayaw din niyang magising ang mama nila sa ingay niya, sigurado siyang pag nalaman nito na tungkol kay Donny ang gulo ay sasama lamang ang loob nito. napabuntong hininga na lamang si Shar at naglakad na pabalik ng kwarto niya. Sigurado mas lalo siyang hindi makakatulog sa nalaman, bukas na bukas kailngan makausap nya si Clark tungkol dun.

Love is patient and kindWhere stories live. Discover now