Prologue

9 2 0
                                        


"Bilisan niyo!! Tumakas na kayo!! "sigaw ng isang binatilyo sa mga kasamahan nito.

Bang!
Bang!
Bang!

Tatlong putok ang pinakawalan niya sa mga armadong lalaki na papalapit sa kanila upang habulin ang mga kasamahan niya.

"Paano ka? Dapat kompleto tayong maka uwi!! " sabi ng isang kasama niyang lalaki. Nasa pribadong yate sila upang iligtas ang mga batang kinidnap ng mga armadong lalaki upang ibenta sa ibang bansa, subalit dahil sa tunog ng alarm nalaman nilang may nakapasok na mga kalaban.

Naalarma ang lahat na mga armadong lalaki dahil wala na doon ang mga bata. Kaya nagkaroon ng putukan sa loob ng yate.

"Ako na ang bahala dito! Umalis na kayo! Itakas niyo na ang mga bata! " sigaw nya dito sa kasamahan nyang lalaki.

tumango lang ito at tumakbo na.

"Mag-iingat ka kapag nailayo na namin ang mga bata, babalikan ka namin" sabi ng kasama nyang babae. Ningitian nya lang ito at tumango.

Sunod sunod na putok ang tanging naririnig nila sa loob ng barko, Medyo nakalayo na sila pero andyan parin ang kaba sa kanilang dib-dib animoy may mangyayaring masama sa naiwan.

"Babalikan natin siya" sabi ng babae na umiiyak habang tiningnan ang sinakyan nila sa malayo pero hindi nila inaasahang sumabog ang yate kung nasaan ang kasama nilang nagpaiwan.

The MissionWhere stories live. Discover now