Melvel x You

22 1 9
                                        

Your Pov.

Classmate ko si Melvel. Close ko si Melvel dahil parehas kami ng trip.

"Hi (Y/n), aga mo ah." sabi nya.

"Di nga ako nakapag-almusal para di ako malate. Punta tayong canteen, dali. " sagot ko sakanya.

-Time Skip- (Sa canteen)

"Ano gusto mong kainin? " tanong ni Melvel.

"Kahit ano, basta gutom na talaga ako." sagot ko.

"Bilisan nyo, baka dumating na si mam!" wika ng isang di-pamilyar na tinig.

"Ang ingay naman nila. " bulong ko kay Melvel.

At dahil sa pagmamadali ng sumigaw.  Nabangga nya ako at nagtama ang mga labi namin ni Melvel.

Dug dug dug dug dug dug~ malakas na tambol ng puso ko. (ilatsibay)

Dahil sa kahihiyan tumakbo ako pabalik ng room. Iniwan ko si Melvel sa canteen.


Melvel's Pov.

Buong klase akong lutang dahil sa nangyari kanina sa canteen.

Dug dug dug dug dug dug~ tambol ng puso ko tuwing naaalala ko ang nangyari kanina.

Sa totoo lang, matagal na akong may gusto ako kay (y/n). Noong una ko pa lang syang nakitang ngumiti, nahulog na ang puso ko. Kaya di na ako nagdalawang-isip pa na makipagkaibigan sa kanya.

Di ko lang maamin dahil natatakot ako na baka i-reject nya ako.

"Kausapin mo sya, sabihin mo sakanya kung ano ang nararamdaman mo para sa kanya." sigaw ng maliit na tinig mula sa isip ko.

"Sasabihin ko na sakanya ang tunay na nararamdaman ko. Wala na akong pakialam kung di nya kayang ibalik ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang importante masbi ko na ang dapat kong sabihin sa kanya bago pa sumabog ang puso ko. Sana lang di masira ang pagkakaibigan namin." sabi ko sa sarili ko.

Your pov.

Napa-iwas ako ng tingin ng nakita kong lumapit sakin si Melvel.

"Uhmm, (y/n). Pwede ba tayong mag-usap? Yung tungkol sa kanina---" Pinutol ko ang sasabihin nya.

"Kalimutan na lang natin ang nangyari kanina. " sabi ko.

Hindi ko alam pero parang kumirot ang puso ko ng sinabi ko ang mga salitang yun.

Napayuko siya.

"Di ko na talaga kayang itago pa. (Y/n) gusto kita! Matagal na!" malakas na sigaw nya.

Napayuko ako sa sinabi nya.  Matagal na nagloading ang sinabi nya sa utak ko.  Parang mga 2 mins.

Napa-angat ang tingin ko sa kanya ng marinig ko ang mga yapak nya papalayo. Tumatakbo sya palayo sa akin.

Melvel pov.

Tumakbo ako papalayo sa kanya ng yumuko sya. Pumunta ako sa umbrella. Unti-unting tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Haha, sabi ko na nga ba. Wala syang gusto sa akin. Haha, tanga ko rin eh. " malungkot na sabi ko sa isip ko.

Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko.

Tumingala ako sa kanya. Nakita ko ang mala-anghel na mukha ni (y/n). Parang hinihingal ito.

Pinunasan nya ang mga luha ko, sabay sabing " Tumabko ka naman agad eh. Di pa nga tapos magloading ang mga sinabi mo sakin. Alam mo namang slow ako eh." mahina akong napatawa sa sinabi nya.

"Di mo man lang hinintay ang sagot ko". Dagdag nya.

Tiningnan ko sya ng nagtataka.

"Ano ang ibig mong sabihin?" takang tanong ko sakanya. Di ko naiwasang kabahan.

"Haha slow ka rin eh noh? Melvel gusto rin kita. "



-------------

Ari na ang balos ko. Pasunod ini. Hahahahaha Bhai your next lol.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mendel x ReaderStories to obsess over. Discover now