"Hoy!, sabi ko magkita nalang tayo mamaya sa parking lot"pag-uulit niya sa sinabi niya.

Doon naman siya binalingan ni Claude. Ngumisi naman ito bago ito naglakad palapit sa kanila. Ang ikinagulat niya sa mismong gitna nila ni Daniel ito dumaan kaya nagkahiwalay sila ng nobyo niya.

Ang mas nakakagulat pa ng si Claude pa mismo ang umakbay sa kanya ng nakagitna na ito sa kanila.

"No one is allowed to touch my girl"bulong ni Claude kay Daniel na hindi niya narinig masyado.

Nakita niyang nakakunot ang noo ni Daniel habang nagpapalit-palit ang tingin sa kanila ni Claude.

Nagpumiksi siya sa pagkakaakbay sa kanya ni Claude.

"Ano, kainis ka naman hindi ko naman sinabi na sumama ka ah!"singhal niya dito.

Nilingon lang siya nito sabay kurot sa pisngi niya na nakangiti ito. napatulala naman siya sa nakitang ngiti nito sa kanya, napakabihira kasi ng ngiti nito sa kanya. madalas kasi magtatalo lang silang dalawa. nito nalang siya nginitian ni Claude, kapag may kaharap silang mga babaeng nagpapacute dito.

"Ang ganda mo talaga"bulong pa nito sa kanya na alam niya ikinapula ng mukha niya.

"A-ano ka-kamo?"hindi niya alam kung bakit nautal siya.

Hindi niya talaga makuha ang ugali ng lalaking ito. naiinis na siya, baka kung anon a isipin ni Daniel sa kanila ni Claude dahil sa ginagawa nito ngayon.

Nang lingunin niya si Daniel nakita niya ang pagsama ng tingin nito sa kanila ni Claude lalo na kay Claude na nakaakbay pa din sa kanya at ngayon nga'y pilit na siyang inilalayo kay Daniel.

Oh nagseselos na ang bebe love ko!

Pero dapat makaramdam na siya ng tako sa pinapakitang galit ni Daniel, pero parang wala lang sa kanya.

"You're just the cousin here, I'm the fiancé"angal naman ni Daniel.

Nanlaki pa ang mata niya ng agawin siya ni Daniel mula sa pagkakaakbay kay Claude. Nang lingunin niya si Claude kita ang nag-aalab na paningin nito mula kay Daniel na ngayon ay hinihila na siya palayo kay Claude.

Pero hindi pa man sila masyadong nakakalayo kay Claude nakita niya ang pagbabago ng hitsura nito mula sa galit sa para bigla itong nalungkot o parang natakot o baka selos. Ah basta iba iba kasi ang nakita niyang ipinakita ni Claude habang nakatanaw ito sa kanila.

Parang ewan naman ang puso niya, nakaramdam kasi siya ng lungkot habang nakatanaw din kay Claude habang papalayo na sila.

DINALA siya ni Daniel sa mga kilala brand ng mga damit at pinamili siya ng bonggang bongga. Pero wala doon ang atensiyon niya, nakay Claude na alam niyang nakasunod lang sa kanila. Nakikita kasi niya ito kahit saan sila magpunta, pero hindi katulad kanina na nakadikit ito sa kanila ngayon nasa malayo lang. parang bodyguard lang ang peg niya, nakamasid.

Hanggang sa mapagod si Daniel sa kakalibot inaya siya nito na kumain naman daw sila. Pumasok sila sa isang restaurant, pag-upo palang nila agad niya ng hinanap si Claude. Bigla niyang naiisip baka nagugutom na din ito, alam kasi niyang nakasunod lang ito sa kanila. At hindi ito kumain kanina ng agahan sa bahay nila.

"What are you looking at?"tanong sa kaniya ni Daniel.

Nginitian lang niya ito sabay kuha ng menu sa kamay nito. babasahin na sana niya ang mga nakasulat doon ng may biglang umagaw noon sa kamay niya. paglingon niya nakita niya si Claude na nakaupo na sa tabi niya.

"She's allergic in all kinds of seafood"anito habang nakatitig kay Daniel.

Nagkakatitigan ang dalawa, habang siya naman ay papalit palit ang tingin sa dalawang kasama niya.

WERE MARRIED? (COMPLETED)Where stories live. Discover now