Chapter 1

20.4K 265 38
                                    

"Ate Almera!" Sigaw ng pinsan kong si Junifer pero hindi ko ito pinansin at patuloy lang sa ginagawa kong artwork commission. Naiinis pa naman ako kapag nadidistract ako sa ginagawa ko.

"Ate Almera!" Paulit pa ng pinsan ko kaya padabog akong tumayo sa aking kinauupuan at bumaba kung nasaan ito

"Ano ba kasi yun Juni? Ang ingay ingay mo." Sabi ko dito napakamot na lang ito sa ulo nito at itinuro ang tao na nasa gate.

"Ma'am, LBC po." Sabi ni Kuya na mukhang natatakot na rin ngayon dahil sa inasta ko. Shit! May inorder nga pala ako na C.O.D. at wala ako ipambabayad.

"Wait lang po Kuya!" Sagot ko dito at bumalik ulit ako sa kwarto pada kunin ang pera na ipambabayad ko.

"Shet na malagket!" Napmura na lang ako ng makita na wala pala akong perang ipambabayad kay Kuya. Bakit ko ba kasi nilibre ng fishball at kikiam si Hetty. Ayan tuloy nagastos ko ang pambayad ko.

Bumaba nga ako para sabihin kay Kuya na bumalik na lang sa susunod na araw pero nakita ko si Junifer kaya naman ay agad ko itong tinawag.

"Juni, pst." Tawag ko dito at agad din naman itong lumingon. Lumapit nga ito sa akin na may pagtataka sa mukha.

"Ano yun Ate?" Tanong nito sa akin at ako naman itong si engot napapakamot na lang kung paano sabihin na mangungutang ako sa pinsan kong sinigawan ko kani-kanina lang.

"Ah- Eh ano kasi kita mo naman may LBC na naghihintay sa labas baka ano—" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng humagalpak ito ng tawa.

"I get it na pinsan. Uutang ka no?" Pangaasar nito sa akin. Nako kung hindi lang talaga ako manguutang dito nabalibag at nabatukan ko na ito.

"Oo mangungutang ako. So pwede ba?" Sabi ko dito sa mataas na tono kaya natawa ulit ito.

"Mangungutang na nga lang galit pa. Bahala ka nga diyan." Sabi nito at akmang tatalikuran ako kaya hinablot ko ang braso nito.

"Please." Sabi ko dito at ang bubwit naman ay pumalakpak ang tenga sa sinabi ko.

"Pasalamat ko may datung na pinadala ang AFAM ko." Sabi nito at kinuha ang wallet. Lagi na lang din kasi nito binibida sa akin ang boyfriend nitong AFAM. Inaasar pa nga ako nito na nakakarami na daw siya at heto ako 7-1 pa rin laban sa kaniya. Pasalamat pa nga ako sa isang nagkamali.

Pumunta na nga ako sa labas at binayaran na si Kuya para sa inorder ko. Nagtataka naman si Junifer sa inorder ko na bakit daw ang mahal. Nahihiya naman akong sabihin dito dahil malamang sa alamang ay aasarin lang ako nito.

"Wala ito Juni. Ano lang ito kailangan ko sa work." Pagsisinungaling ko dito.

"Okay sabi mo e. Nga pala nakasalubong ko si Anise nung isang linggo pinapaabot niya sa'yo ito." Sabi nito sa akin at iniabot nga ang maliit na sobre na may lace na design.

"Invitation? Charity?" Tanong ko dito.

"E di buksan mo ng malaman mo. Atsaka MIA ka rin last week kaya ngayon ko lang naibigay. Hindi ka din daw kasi sumasagot sa phone mo Ate kaya ayan iniabot niya sa akin. Atsaka nga pala huwag mo daw kakalimutan na pumunta sa kasal ni Ate Hetty dahil Itatakwil ka daw talaga niya ng sobra." Sabi nito sa akin at nagtungo na nga sa kusina para magluto ng pananghalian.

Umakyat ako muli para buksan ang inorder ko at ang invitation na pinadala ni Hetty sa akin. Binuksan ko muna ang invitation at binasa ito.

"Hetty is getting married! Join us for her last night as a single woman." Binasa ko pa ito at napamura na naman sa nalaman.

"Put*! Bakit ngayon lang naibigay ni Juni to sa akin? Shet!" Napamura siya paulit ulit na malaman na ngayong gabi na pala ang Bachelorette Party ni Hetty at anak ng pitumputpitong whatever ng baka Saan ako kukuha ng sexy na lingerie! Bwisit na buhay naman oh!

Libidinous Series 11: Frost Fire SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon