1

828 11 0
                                    

🎶 this is my last night with you...
Hold me like i'm more than just a friend,
Give me a memory i can use...

Ang ganda ng song na yan ah.
Ngayon ko lang naappreciate yan.
Ang galing din kasi nung banda ngayong gabi dito sa bar na pinupuntahan namin.

"Hey bro, okay ka pa?" Tanong ni Brian

Nagthumbs up lang ako sakanya bilang sagot.
Medyo pumipikit pikit na kasi ako and namumula na dahil nga sa alak, pero kaya ko pa naman.

"Hey guys, this is Chloe and Louise they're gonna join us. Girls, these are my friends Brian, Ivan, and Eli" sabi ni Josh nang makalapit siya sa table namin. Paano eh pumunta sa kabilang table kanina para makipagkilala.

Ngumiti lang ako ng pilit sa mga dinala niyang babae, hindi kasi ako interesado.

"Medyo snob yung isa niyong friend type ko pa naman" sabi nung isang girl which name i can't remember kasi it won't matter anyway.  Akala yata hindi ko naririnig yung sinasabi niya.

"Broken hearted" mahinang sabi naman ni Ivan pero narinig ko parin. Hindi ko nalang sila pinansin at ipinagpatuloy ang pakikinig sa banda.

Ang dami kong iniisip sa ngayon, hindi ko man gusto ay sumusulpot lang sa isip ko.
Kaya tila lumala pa ang bigat na nararamdaman ko,
Parang biglang naging crowded yung bar and biglang sumikip ang dibdib ko. Parang unti unting umiikot yung paligid ko tapos wala na akong marinig kundi yung sarili ko

"ELI" malakas na pagtawag ni Brian sakin na siya namang ikinabalik ko sa kasalukuyan.

"I need to breathe" yun lang ang lumabas sa bibig ko

"Let's go outside. You need air" suggestion pa ni Brian at nagpaalam na siya sa mga kasama namin na lalabas lang kami saglit at magyoyosi siya.

Nang nasa labas kami ay naupo lang ako sa may plantbox sa tapat ng entrance ng bar.
May tatlo pang ibang tao na nandito din habang nagyoyosi pero medyo malayo sa kinauupuan ko at kinatatayuan ni Brian.

Habang nagyoyosi siya ay pinapanood ko lang yung usok na binubuga niya and out of nowhere, words came out my mouth.
"Why do you smoke bro?"

Tinignan lang ako ni Brian habang hinihintay ko na sumagot siya. Akala niya siguro hindi ako seryoso sa pagtatanong ko, well after ilang years of friendship namin na nakita ko siyang nagsmoke, ngayon ko lang kasi siya tinanong.

"I thought it was cool bro. And then it was too late for me to quit kasi i got addicted na." Seryosong sagot niya sakin.

"Let me try" sabi ko nanaman sakanya.

"You're joking Eli. That's bullshit man" sagot nanaman niya habang tinitignan ako na parang nababaliw ako.

"I am not. And i want to take a breather man. You know how i have been, you know i have too much on my plate right now" sagot ko sakanya

"Don't even try Eli, you won't be able to stop." Sabi niya at tinapon na yung yosi niya. "Is this still about Yana?" Tanong niya na medyo may pangamba.

Well, he knows that as much as possible i would not want to talk about her.

"You know how much i love her man." Sagot ko habang tinitignan ang kamay ko, inaalala kung ano ang pakiramdam na hawak ko parin siya. Na sa akin parin siya.

"Almost 3 months na man, you deserve to be happy. She's already happy with someone else" sabi niya

And it fucking broke my heart...

again...

into pieces.

Umiiyak nanaman ako.
Tangina bakit umiyak ako ngayon.

"You gave her everything Eli, but she still left you. You have to forget about her and finally start loving yourself." tinapik niya ko ng dalawang beses sa balikat ko and pinunasan ko ang luha ko bago ako nagsalita

"Let's go inside man, they might be wondering what's taking us so long"

Nang makarating kami sa loob, ipinagpatuloy na namin ang pag inom. Kasama parin nila Ivan at Josh yung mga babae nila.

Saktong bumalik na yung banda para sa last set nila.
Ganon parin yung mga songs. Masakit. Nakakadurog. Lalo na yung mga requests. Madami din yata akong katulad na wasak ang puso dito ah.

Sa kalagitnaan ng last set nagpaalam ako sakanila para magcr.
Pagkatapos ko magcr ay lumabas ako muli. Hindi ko talaga siya matanggal sa isip ko. Kaya sobrang bigat ng nararamdaman ko.

Bumili ako ng yosi sa may convenient store na malapit sa bar. Hindi ko nga alam kung ano yung bibilhin ko kanina. Basta nung tinanong ako nung nagbebenta sabi ko nalang basta kahit anong yosi tapos lighter.

Nang makabalik ako dun sa smoking area sa labas ng bar, sinindihan ko yung yosi. Pero nawawala din yung apoy. Bakit ganon?
Sinubukan ko ulit sindihan tapos agad agad ay hinithit ko yung yosi, ganon pala. Pero naubo ako kasi nahigop ko ng dirediretso yung usok.

Medyo matagal din bago ko nakuha kung papaano nga ba. Medyo nauubo parin ako pero nacocontrol ko na.
Nakakagaan sa pakiramdam ko. Kahit papaano.

Nicomaine and the Fallen OneDove le storie prendono vita. Scoprilo ora