Ilang taon na din simula nung nangyari ang lahat ng ito. Hindi ko naman akalain na magiging ganito na yung kinahihinatnan ng lahat eh. Hindi ko naman sinasadya. Pero nangyari, hindi ko alam. Pero, isa lang ang kasiguraduhan na pinanghahawakan ko. Kaunti na lang ang panahon at oras ko para ma-i-tama lahat ng ito. Kaunting panahon na lang ang natitira para masilayan ko pa ang napakagandang sikat ng araw na palagi kong pinagmamasdan at masayang nilalasap sa tuwing lumalabas ako sa apat na sulok ng lugar na ‘to.
------------------------------------------------------------
“Uy. Vex! Ano nga ulit yung formula sa ganito? Paturo naman!”
“Vex! Vex! Pasama mamaya sa Faculty ha? May ibibigay kasi ako kay Miss De Jesus.”
“Vex! Kailan daw ipapasa thesis natin?”
“Vex! Kelan walang pasok?”
“Uy. Uy. Pa-print!”
“Vexia! Pa-compute ako nito!”
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ayan na lang lagi kong naririnig. Pero okay lang, kaibigan ko naman sila eh. Atsaka, kaya ko naman gawin. No worries nga eh. Kung kaya ko tumulong sa iba, gagawin ko. Ganoon ako pinalaki ng mga magulang ko. Mas mabuti na daw na ikaw yung tumutulong, kaysa ikaw ang tutulungan. Mas mabuti na daw yung nakakagawa ka ng mabuti kaysa gumagawa ka ng masama. Nilasap ko ng lahat ng ‘yon. Masaya naman eh. Sapat na sa akin yung salitang “thank you” Kahit kalian, hindi naman ko humingi ng higit pa sa atensyon nila eh. Sapat na nga para sa akin yung may kasama at may kumakausap sa akin. Para sa akin, kaibigan na yon eh. Pero, until one day, nagbago ang lahat....
Naglalakad ako papasok ng school. Akala ko, feeler lang ako, pinagtitinginan kasi ako ng lahat ng mga tao. Hindi naman ako sikat eh. Sa katunayan nga, parang nobody lang ako sa school. Kaunti lang nakakakilala sa akin. Mostly, puro babae lang na kabatch ko at iilang mga kaibigan sa higher years. Hanggang sa paglaspas ko ng gate, lahat ng tao na madaanan ko, tinitingnan ako. Palinga-linga tuloy ako. Akala ko kasi, yung tao sa likuran ko yung tinitingnan nila. Pero hindi eh. Walang tao sa likuran ko. Alangan lahat sila nakakakita ng multo, di’ba? Creepy lang. Hindi na talaga ako mapakali kaya pumunta muna ako sa CR na lagi kong pinupuntahan. Favorite CR ko yun sa school. “My Sanctuary” pa nga ang pinangalan ko doon eh. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, ganun pa din naman itsura ko eh. Uniform ng school namin ang suot ko. Malinis at walang bakas ng kahit anong dumi. Kahit medyas at sapatos ko, napakalinis. Ni katiting na dumi, wala kang masisilayan. Inamoy ko din yung sarili ko. Mula sa mahaba at wavy kong buhok na nakalugay hanggang beywang, patungo sa damit ko, at sa lahat ng parte ng katawan ko. Hindi naman ako mabaho eh. Hindi rin ako nakatapak ng dumi ng hayop. Amoy na amoy ko pa nga ang pabango kong Victoria’s Secret. Pagkatapos ko i-examina ang aking sarili, lumabas na ako at patuloy na tinungo ang daan patungo sa classroom namin. Pinagtitinginan pa rin ako ng mga tao. Ngunit gaya ng aking ginagawa sa araw-araw, hindi ko pinapansin ang mga tao. Pero tinitingnan ko sila. Baka kasi kaibigan ko yung makasalubong ko. Masabihan pa akong “snob” kapag hindi ko sila napansin. Mahirap na magkaroon ng katampuhan. Noong aapak na sana ako sa unang baitang ng hagdan, nagulat ako, kasemay narinig akong nagsasalita...
“Uy. Girl! Alam mo na yung balita? Yung Vex Sebastian daw, walang kaibigan. Tapos yung mga lumalapit daw sa kanya, ginagamit lang siya.” – girl 1
Ewan ko, pero nagpintig yung tenga ko sa narinig ko. Ako? Ginagamit lang? Eh di’ba nga, madami akong kaibigan? “Siguro chismis lang yan” – isip-isip ko. Pero, hindi na ako tumuloy sa pag-akyat ng hagdan, nanatili ako sa gilid ng hagdan at pinakinggan ko pa din ang usapan ng dalawang babae.
“Nako Girl! Tama ka dyan. Nakakaawa nga siya eh. Loner. No friends at all.” – girl 2
“Shit.” – napamura ako pero pabulong lang. Ano ba mga sinasabi nila? Loner? Ako? Nagbibiro ka ba? Madami akong kaibigan, pwede ba?! Halos manghina ako sa narinig ko. Hindi ko namalayan, umiiyak na pala ako. Mabilis akong tumakbo para pumunta dun sa santuwaryo ko at umiyak ng umiyak.
YOU ARE READING
Going Back to the Start.
Teen FictionUps and downs, can it bring you totally down? Makakaya mo ba o magpapatinag ka?
