"Claude"humahangos na dumating ang kanyang biyanan.

Nasa loob nan g emergency room ang anak niya at kasalukuyan na tinitignan ng mga doctor. Katabi niya si Rhiane na panay pa din ang iyak at layo sa kanya. galit siya kaya wala siyang pakialam sa inaasta ng asawa niya sa kanya.

"Nay, iuwi niyo na si Rhiane, utang na loob habang kaya ko pang magtimpi"aniya sa kanyang biyanan.

Nang lapitan naman ni nanay Tina ang asawa niya muli nagwawala na naman ang asawa niya. tila hindi nawawalan ng lakas ang asawa niya, pilit na pinapalayo ang nanay niya. isinisigaw na nito ang pangalan na ng ama nito na ngayon lang niya narinig na sinabi nito.

Wala naman silang nagawa kundi ang patulugin ang asawa niya. kahit na tulog ang asawa niya at ang sabi ng mga doctor doon na iconfine na din ang asawa niya wala siyang pakialam.

Tanging ang anak niya ang iniintindi niya ngayon.

MABUTI NALANG walang masamang nangyari sa anak niya. makalipas lang ang tatlong araw humupa na ang lagnat nito at pwede na nilang ilabas ng ospital. Kaya naman ng mailabas na niya sa ospital ang anak niya nakiusap muna siya sa mga kapatid niya na ang mga ito muna ang mag-alaga sa anak niya.

Aasikasuhin na niya si Rhiane, dadalin na niya sa Manila ito para ipatingin. Wala na kasi ito kinakausap, lahat ng lalapit dito ay inaaway nito. maging sila ng nanay nito ay inaaway o kaya naman pinapalayas nito.

"rhiane, please naman umayos kana"pakiusap niya sa asawa niya habang magsama sila sa loob ng kwarti nito sa ospital.

Kanina pa sila nagtatalo, kanina pa din siya sinasaktan nito sa pagbabato ng kung ano sa kanya.

"Please, kailangan ka namin ng anak mo"muling pakiusap niya dito.

"Hindi kita kilala, ayaw kitang makita!"sigaw nito sa kanya.

Kahit na nadala niya sa manila ang asawa niya, ang tanging nasabi nalang ng doctor nito doon ay ang makabubuting na dalin na daw niya sa mental institution ang asawa niya. doon daw mas masusubaybayan ang kalagayan ng asawa niya.

Pero hindi siya pumayag, dahil sa tingin niya hindi baliw ang asawa niya. depress lang ang asawa niya o kaya naman may pinagdadaanan. Kaya naman iniuwi din niya ang asawa niya sa probinsiya nila, siya nalang ang mag-aalaga sa asawa niya hanggang sa gumaling ito.

Pansamantalang nasa mga kapatid niya ang anak nila, kasama ng anak niya ang biyanan niya para naman hindi nakakahiya sa mga kapatid niya ang pag-aalaga sa anak nila.

"Kumain ka Rhiane"aniya sa asawa niya.

Hindi na niya naaasikaso ang talyer at ang bukid niya. kumuha nalang siya ng taong pwedeng mag-asikaso noon para sa kanya. ilang buwan din ang matuling lumipas pero walang nagbago sa sitwasyon nila ni Rhiane, mas masdalas na tulala lang ang asawa niya habang nakatitig sa labas ng bahay nila.

Hindi na din niya naiuwi pa ang anak nila sa bahay dahil sa tuwing gagawin niya iyon nagwawala na naman ang asawa niya kaya naman sa bahay na ng mga kapatid at tatay niya tuluyan na tumira ang anak nila. Masaya naman ang tatay niya dahil nakakasama daw nito ang apo nito sa kanya. nagiging maayos na din ang relasyon niya sa tatay niya dahil sa nakikita niyang pag-aalaga sa anak niya.

"Mahal, please naman oh bumalik ka na. kailangan kita, kailangan ka namin ni Charity"pakiusap niya dito habang pilit na pinapakain ang asawa niya.

Tinignan lang siya nito, nakatulala at walang emosyon na nakatitig na ito sa kanya.

"Kailangan ka ng anak natin, miss na miss ka na niya"patuloy pa niya pero wala naman itong kahit na anong reaksiyon sa kanya.

WERE MARRIED? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon