When You Looked at Her Where Was I?

48 5 0
                                    

(Jealous - Nina)

Pagkadating namin sa bahay ni Lu ay agad ko na rin syang inihatid sa kwarto nya. Halos di na sya maka galaw sa sobrang sakit ng ulo.

I went to the kitchen to get some ice, pero wala naman ice doon so I've decided na yung bag of chocolate marbles na nasa freezer na lang ang kunin.

Pumpkin, please uminom ka na ng gamot. I pleaded. I slowly put the small bag of chocolate on her forehead para naman atleast makarelax din sa kanya.

Nakapikit lang sya pero alam kong hindi sya tulog. Namumula ung mga pisngi nya tapos yung corner ng mga mata nya parang may luhang nagbabantang tumulo.

Maya maya pa ay naramdaman kong gumalaw ang ulo nya, she nods.

So I quickly stood on my feet and went to the medicine cabinet to get some pain reliever and run downstairs for a glass of water.

I sit her up carefully and gave the med she needed. After a few minutes ay nakatulog na rin sya. Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na rin pala ako sa tabi nya.

I was awakened by the arm that rests over my tummy. Lu, she was still sleeping but I can see from her face na nawala na yung sakit ng ulo nya. Mahimbing pa rin ang pagtulog nya.

I checked the time from my phone, it was almost 2am.

Naku, mukang dito na ako magpapalipas ng gabi. I said to myself.

I ran downstairs to get some cold water and something to eat. And so I found a cup noodles which will do for my tummy.

After having a late dinner-slash-mid.snack, I felt my body cried for rest. I lay down next to Lu and took a quick minute to check my phone.

From Dave: Nasa bahay na kami. Okay na ba si Luis?

From Dave: grabe Kaye, I gotta be honest with you right now. Bey was so drunk and emotional kanina. Nagselos yata pag alis nyo ni Luis.

From Dave: gusto ka nya makita. Iyak sya ng iyak. Nakauwi ka na ba? Sana okay na si Luis.

Then another message popped up just now.

From Bea: Kaye, mahal ko. Nasan ka? Baba ka naman, nandito ako sa tapat ng bahay mo.

Nanlaki ang mga mata ko at biglang napatayo sa pagkakahiga ko. Napatingin ako bigla sa bintana at shocks, sobrang lakas na ng ulan. At nasa tapat sya ngayon ng bahay ko?!!!

Bea ano ba ang nasa isip mo!!! I raked my hair with force. Hindi ko alam ang gagawin ko. Napa tsk!! Na ako sa sobrang gulo ng isip ko sa oras na ito.

Sa sobrang pag-aalala ko ay nag decide na ako na umuwi at tignan kung nandun pa si Bea, hindi na nya sinasagot ang tawag ko kahit naka ilang ulit akong nag ring sa phone nya. Bakit ba ayaw nyang sagutin? Napapaisip tuloy ako na baka kung ano na ang nangyare sa kanya.

..

Lu, angel, alis muna ako ha. Pahinga ka lang, bukas babalik ako to check on you. May kailangan lang akong gawin. I whisper to her ear. Hindi sya sumagot but her head moves a bit na parang nananaginip.

I caress her forehead and planted a small kiss.

Running down the stairs I took my keys sitting on the table, locked the door and head off.

Malakas ang ulan, pabugso bugso. Mas lalo tuloy akong nag-aalala kung okay kaya sya..

...

Malayo pa lang ay natanaw ko na ang image ng tao na nakaupo sa patio. Nagmadali ako at agad na bumaba.

One Of The FewWhere stories live. Discover now