Prologo

377 30 6
                                    

Detour

•an alternative route for use by traffic when the usual road is temporarily closed.

Take a detour.
Discover small towns
and friendly faces
that don't grow along the highway.
-Khang Kijarro Nguyen

Perhaps the old man had chosen to look up through-or at least around-his problems while still smiling, knowing that a detour didn't have to alter the destination, it merely changed the path.
-Kathy Harris, The Road to Mercy



Minsan talaga may magandang dulot ang detour-detour na 'yan eh...

Minsan lang naman.

Lalo na kapag ikaw ang nasa receiving end. Masaya nga 'yun. Imagine, iyung wala kang kamalay-malay na may biglang lalapit sa 'yo habang nakatambay ka sa labas ng bahay ninyo habang nagbabasa ka ng komiks, "Pwede po bang makisilong sa inyo ngayong gabi? Gabi na po kasi at kanina pa ako naglalakad. Nasa pangatlong barrio pa po kasi ang talagang pakay ko at mukhang wala ng masasakyan." Umoo ka naman kaagad na para bang ikaw ang may-ari ng mismong bahay ninyo na pag-aari pala ng lola mo. Ganern.

Ang swerte mo kung may itsura pa ang naliligaw na 'yan. "Naku, kagwapo!" Sabi naman ng lola mong mukhang botong-boto kaagad sa kaniya. Tapos magkakagusto ka rin naman syempre. Gwapo talaga eh. Aba, bihira pa naman ang gwapo sa lugar ninyo. Eh, 'yun nga lang aalis din pala agad kinabukasan ang binata. Malas mo, nakikidaan lang din pala. Hindi man lang nag-iwan sa iyo ng cellphone number o address... "Salamat po, ate," ang paalam pa sa iyo, samantalang mukhang magkasing-edad lang naman kayo.



Parang ganyan ang kwento ni Brianna Vallejos, kagaya niya ang lalaki na inihalimbawa ko sa itaas, na nakikidaan lang sa kwento ng buhay ni Ian Oliveros.

Detour, dumaan.

Ganern.

Detour by Theysee_me

DetourWhere stories live. Discover now