Prologue

477 7 3
                                    

PROLOGUE:

Kakatapos lang ng klase namin kaya lumabas muna ako para magpahangin, mahaba-haba din ang bakanteng oras namin. Babasahin ko muna yung librong di ko natapos basahin. Pumunta ako sa canteen, kaso wala ng upuan kaya wala akong magagawa kaya doon na lang ako umupo sa ilalim ng puno na may mga basura malapit sa canteen namin.

Pagkakuha ko ng libro na babasahin ko galing sa bag ko, may nalaglag na isang larawan mula sa libro. Isang larawan ng dalawang taong halos magkayakap na at parang ang saya saya nila sa piling ng isa’t isa. Larawang halos ayoko ng balikan pa dahil sa sobrang sakit.

Napapikit ako, sa pagpikit kong iyon, nakikita ko ang kanyang mukha; tawa sya ng tawa. Nang makita ko ang pinagtatawanan nya, tinatawanan nya ako nung nadapa ako at napasubsob sa  dumi ng kalabaw. Nakakahiya talaga yung eksenang yun, pero okay lang dahil napasaya ko naman sya at syempre masaya din ako kasi kasama ko sya nun.

Pero nagpalit din ang sayang nararamdaman ko nang maalala ko yun dahil nagbalik din ang mga ala-alang pilit akong tumatakbo palayo sa kanya, sobrang sakit ng nararamdaman ko nun. Halos di ko kayanin ang sakit. Ano nga bang nangyari? Bakit nagkaganito ang lahat?

BAKIT?

BAKIT?

BA---Aray ko naman. Napamulat ako at napabalik sa kasalukuyan, may tumama ba naman na bola ng volleyball sa akin. Saan galing ‘tong bola? Nasa canteen ako ah. Di ko na hinanap kung saan galing yung bola, dahil napatungo ulit ako sa larawang hawak ko.

“Bakit si Nimfa Bactotoy pa?”

All Rights PRESERVED 7/15/2014

 

Copyright © StarApple Production (A Shirleen and Natasha Production)

Bakit si Nimfa Bactotoy pa? (COMPLETED)(Book 1 #NSJ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon