Cliche Gangster

1K 27 10
                                    

Sa isang bakanteng lote, may isang grupo ng mga kalalakihan na nakapalibot sa isang nakabulagtang nerd sa lupa habang binubugbog ni Benjie, ang leader ng kanilang grupo.

"Aray! Aray! Tama na! Bakit mo ba ko binubugbog?? Di naman kita kilala!"

"Ha? Wala lang! Gusto ko lang! Required kasi bilang gangster na mangbugbog ng mga tao! At para mapakita ko sa mga readers na matapang at wala akong puso!" Sagot ni Benjie sa nerd na binubugbog niya.

"Aray! Aray! Di pa ba sapat na nakasuot ka ng all black mula ulo hanggang paa, nakasuot ka pa ng long sleeves na jacket kahit mainit sa Pilipinas, long hair na buhok na nakapony tail pero di ka pagkakamalang bakla dahil gagawin ng writer na magmukha kang astig, at higit sa lahat mukha kang tambay na parang hindi mahilig marunong maligo pero pagkakaguluhan ka pa rin ng mga babae sa kwento kahit ganyan ang itsura mo! Di pa ba sapat yun para makitang gangster ka talaga!" Sumbat ng nerd.

"Kulang pa yun! Dapat meron din akong mga alalay na mukhang mga batang hamog na wala lang gagawin kundi ang bumuntot sa akin at pamparami lang sa eksena! At dapat ako ang pinakagwapo sa kanila para mamaya magkakagusto sa akin ang leading lady ko kahit gangster lang ako! Pero salamat sa'yo at nagkaroon ng idea ang mga readers kung ano ang itsura ko! Bilang ganti, idedescribe din kita sa mga readers!" Tugon ni Benjie habang tuloy pa din sya sa pagsipa sa sikmura ng nerd.

"Sige lang! Habang buhay pa ko! Sabihin mo para maalala naman nila ako bilang extra! Di na nga ako binigyan ng pangalan ng writer!"

"Hoy! Nerd na naka long sleeves na polo na may checkerd design na kulay itim at pula na combination kaya nagmumukha kang lamesa, at lahat ng butones ay nakasara, na punong puno ng gel ang buhok kaya flat na flat ang one-sided mong buhok! At meron ka pang malaki at makapal na salamin para mapakita mong matalino ka at malabo ang mga mata mo kaka-aral kahit di naman, wag mong sisisihin ang writer dahil isa ka lang extra! Mamaya di ka na nila mababasa!" Sagot ni Benjie at lalong binugbog ang kawawang nerd.

"Hahaha! Sige pa boss! Bugbugin mo pa yan! Hahaha!" Sigaw ng mga alalay nyang mga hamog.

"Aba! Aba! Aba! Sa wakas nagsalita din kayo! Ako nga lang ang nabugbog dito! Wala kayong ginawa kundi manood!"

"E boss, ganyan talaga para mapakita ng writer na ikaw ang pinakamalakas sa atin. Saka kahit ilang beses ka pang mapasama sa riot gwapong gwapo ka pa din. Di ka man lang nagkakapeklat sa muka!" Paliwanag ng isa nyang alalay.

"Shut up! Only Belo touches my skin! Kahit gangster may karapatang maging vain!" Sigaw ni Benjie.

"Yes boss! Ichecheck namin yan!"

"Sige, icheck nyo yan. Ang mabuti pa kayo na ang bumugbog dyan! Para may sense naman ang paglabas nyo sa eksenang to! Aalis na ako at meron pa kong 'tampururot scene' sa isa sa mga leading ladies ko! Pero part lang yun ng pampakilig sa mga readers. Ayan kasi ang gusto nila, yung aso't pusang love team! Dyan na kayo! At sya nga pala! Wag nyo nang bibigyan ng dialogue yang nerd na yan! Tapos na ang scene nyo! Next scene na!" Bilin ni Benjie sa kanyang Hamog Boys.

"Yes boss!"

"Teka! Wag nyo kong bugbugin! Aray! Writer! Wag namang masyadong brutal sa akin! Maikli na nga lang ang ganap ko eh! Aray!" Sigaw ng nerd na pinagtutulungan ng mga Hamog Boys.

"Tumahimik ka! Tapos na ang eksena natin! Next scene na!"

Samantala, palabas na ng bakanteng lote si Benjie. Papunta sya sa kanyang magarang motorsiklo sa di kalayuan. Dahan dahan ang kanyang paglalakad habang nililpad ng hangin ang mg dahon sa paligid.

"Haay! Bakit pa kasi sa malayo ko pa pinarada yung motor ko! Yan tuloy nahihirapan akong maglakad nang malayo! Bakit pa kasi may ganung effect na dapat maglalakad ang bida ng may drama effect bago sumakay sa sasakyan? At bakit mga dahon lang ang nililipad? Dahon lang ba ang basura sa Pilipinas? Wala bang mga plastic?" Wika ni Benjie sa sarili habang naglalakad at seryoso ang mukha.

Diary of a Casanova Gangster Dating the Ice PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon