"Pasaway"
Di ko na minsan sayo pinapaalam
Upang di ka mag-agam-agam
Malihim man kung ito'y 'yong iisipin
Aya'ko lamang na ikaw'y magalala sakin
Ganun naman talaga,hindi ba?
Kapag mahalaga,nagaalala sayo nang sobra?
Minsan pa nga,ikaw'y napapamura
'Pag di ko sinusunod,iyong pinagagawa
**
Hindi sa ayaw naming ipaalam. Hindi lang talaga maiwasan na isipin namin yung mararamdaman nyo. Concern lang din kami
