"C'MON, hija,"

​Napalingon si Izabelle sa mommy ni Carmilo na masayang kumakaway sa kanya. Kakatapos lang niyang maligo. Nasa kusina parin ang ginang kasama ang mag-ama nito na masayang naglalagay ng plano sa mesa.

​Napaangat naman ng mukha ang binata at mas lalong lumawak ang ngiti nang makita siya. Agad siya nitong sinalubong at hinagkan sa labi dahilan nang muling pag-iinit ng kanyang mukha at pagbilis nang tibok ng kanyang puso.

Bakit ba nagiging eratiko ang pintig ng puso niya tuwing naglalapat ang labi nilang dalawa? At ang pakiramdam niya ay sobrang saya niya.

​"Smell good, honey.." bulong nito sa kanya na siyang nagpakiliti sa kanya. At pigil-pigil niya ang sariling huwag kiligin sa gesture na ipinapakita nito at pilit na ngumiti dito.

"T-thanks.." nabubulol na namang sagot niya at napakagat sa labi.

​"Hon, stop biting your lips. You know exactly what effect it had on me whenever you do that," muli ay bumulong nito, at hindi niya napigilan ang mapasinghap.

Sunod-sunod din ang ginawa niyang paglunok ng laway dahil mas lalong nag-iinit ang kanyang mukha. At tiyak niyang namumula iyon dahil nakikita niya ang mapanuksong ngiti nito na halos ayaw alisin ang mga mata sa pagkatitig sa kanya.

​"T-tara, nagugutom na ako," yakag niya rito upang hindi mapansin nito ang pamumula ng kanyang pisngi.

​Inakbayan siya nito papasok sa kusina, at ipinaghila pa siya nito ng silya.

Wow!

Pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa dahil nilagyan pa nito ng pagkain ang kanyang plato nang kumain na sila.

​"Ako na," pigil niya rito nang akma nitong lagyan ng ulam ang kanyang plato.

​"No, hon.. Just sit, and let me serve you," nakangiting sagot nito habang ang magulang nito ay nakangiting nakatingin sa kanila.

​Nahihiya namang napayuko siya para itago ang pamumula ng kanyang mukha habang ang binata ay tila enjoy na enjoy naman sa ginagawa nito.

​"Oo nga pala, hijo. Nasaan 'yung mga larawan niyo ng ikasal kayo ni Izabelle? Gusto ko sanang makita," mayamaya ay tanong ng ginang na siyang dahilan nang sandaling pag-awang ng labi ni Izabelle na mabilis lumipad ang mga mata sa katabing binata.

Lihim niya itong pinandilatan ngunit kalmado naman itong napakibit-balikat sa kanya at napangiti pa'ng napaharap sa ina.

​"Nasa photographer pa, Mom. Nakalimutan kong ipakuha noong araw nang ipaalam sa akin na okay na ang mga larawang kuha sa kasal namin ni Izabelle. And don't worry Mom, by tomorrow ay makikita mo na 'yun," anitong kumindat sa kanya at muling sumubo ng kanin.

​"I see, can't wait to see those pictures, hijo.." ang mommy nito na ibinalik ang atensyon sa pagkain.

​"How about your church wedding, son? Wala pa ba kayong plano ni Izabelle para magpakasal sa simbahan?" ang daddy naman nito na tumingin sa kanila.

Habang siya naman ay napainom bigla dahil sa hindi inasahang mga katanungan ng magulang ng binata.

​"We already planned for that, Dad. And we both decided that we will have our church wedding, pagnanganak na si Izabelle," kampante paring sagot ng binata nang muntik na siyang mabilaukan.

​"Hija, are your okay?" nabahala at sabay na tanong ng mag-asawa habang ang binata ay nag-alala ang mukha na mabilis na umalalay sa kanya.

"Drink this, hon," abot nito ng baso na may lamang tubig na agad naman niyang ininom hanggang sa lumuwag ang kanyang pakiramdam.

​"I'm sorry.." paghingi niya ng paumanhin habang lihim na sinipa ang binata sa ilalim ng mesa.

Napalingon naman ito sa kanya at nagtatanong ang mga mata na siyang pinanliitan lamang niya ng kanyang mga mata. At muli ay pilit na ngumiti sa magulang nito.

​"Okay ka na ba hija?" muling tanong ng ginang na nasa mukha pa rin ang pag-alala.

​"Okay lang po ako, M-Mommy.." napakagat-labing sagot niya at ibinalik ang atensyon sa pagkain.

Lihim siyang naiinis sa binata dahil tila hindi man lang ito nag-alala na mabuking sila sa kanilang mga kasinungalingan. Bagkus ay parang wala lang dito kung sumagot sa magulang nito na tila ba totoo ang mga pinagsasabi nito.

​Nakahinga lang siya nang maluwag ng matapos na silang kumain. Agad naman siyang nagpaalam na aakyat sa kwarto at nagdahilang masama ang pakiramdam kung kaya't hindi na siya pinigilan pa ng ginang.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Onde histórias criam vida. Descubra agora