CHAPTER 1 - FIRST MEETING AGAIN

15.8K 167 10
                                        


This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

*****************

"Hoy Mab! Gising na! Late ka na."

Nakita ko siyang nag-unat mga paa. Akala ko tatayo na siya ngunit sinuot niyang muli ang kumot na bumaba hanggang sa kanyang paa. Mukhang ayaw pa niyang bumangon.

"Kuya pede 5 minutes pa. Inaantok pa ako eh," pagmamakaawa ni bunso.

"Anong five minutes?! Bangon na dyan at pareho tayong mala-late nyan."

"Sige na Mabelle bangon na. Pasensiya na anak hindi kita maihahatid. Maraming akong patahi ngayon," rumesbak sa paglalambing si Nanay para mapilit lang si Bunso bumangon.

Kahit ayaw pa niya, wala siyang magawa. Dumiretso agad siya ng CR. Nakita kong nililigpit ni Nanay ang higaan. Lumapit agad ako sa kanya.

"Nay pasensiya na po kung ito lang maiaabot ko. Kailangan na kasing bayaran agad si Aling Nene. Medyo lumalaki na ang utang natin sa kanya. Baka i-tsimis pa tayo sa mga kapitbahay natin."

Kinuha agad ni Nanay ang pera.

"Okay lang anak. Kahit paano medyo madami-dami ang patahi ang binigay ni Kumareng Sita. Pinakyaw ko na rin para kahit paano makadagdag sa pang araw-araw natin gastusin."

"'Wag nyo naman din masyadong pagurin ang sarili nyo 'Nay baka naman kayo ang magkasakit nyan."

"Ano ka ba? Well-fitted itong Nanay mo. 'Wag kang mag-alala. Pagkatapos ng klase ni Rodel, tutulungan niya agad ako. Isang pasada lang daw 'yan sa kanya."

"Bakit wala ba siyang pasok?"

"Alam mo naman ang kapatid mo. Gusto lang kumita ng pera. Tinatamad na raw siyang mag-aral."

"Aba't! Patay talaga sa akin si Rodel."

High school ako ng mamatay si Tatay. Aksidente sa construction. Gumuho ang ginagawa nilang pader at isa si Tatay sa natabunan. Tulad ng pagbagsak ng pader, gumuho din ang mundo namin. Buntis pa si Nanay noon at walang trabaho. So no choice at bilang panganay, nagdesisyon akong tumigil sa pag-aaral. Kailangan kong tumulong para maitawid ang pang-araw-araw na gastusin namin. Apat kaming magkakapatid. Si Janel ang pangalawa. Sa kasalukuyan siya muna ang pinag-aaral namin. Kumuha siya ng BS Educ course dahil pangarap niyang maging isang teacher. Dahil sa angking talino na meron siya, nabigyan siya ng iskolar ni Mayor. Kahit paano nakatulong iyon para mabawasan ang mga alalahanin ko. Sumunod naman si Rodel. Bago pumasok sa eskwela, nagpapart-time siyang barker sa terminal ng jeep. Minsan sa school nag-aalok din siya ng mga papiso-pisong candy, yema, pulboron etc. Hindi man daw niya kasing talino si Janel pero siya naman ang pinakamadiskarte sa aming magkakapatid. Si Mabelle aka "Mab" ang pinakamakulit naming bunso. Pangarap raw niyang maging isang singer tulad ng iniidolo niyang si Sarah G. at balang araw magdu-duet sila sa stage. Itatak ko daw iyon sa bato.

At ako naman si Abel, ang panganay sa magkakapatid. Salesman sa umaga, waiter sa gabi, kargador sa Sabado, at Fishball vendor sa Linggo. Kahit anong trabaho pinapasok ko. Taxi driver, clown, janitor, ultimo tiga-linis ng poso negro hanggang pagsali sa mga rally kina-career ko. Sabi ko noon sa sarili ko kapag nakatapos ako ng kolehiyo, magtatrabaho ako sa isang sikat na kumpanya. Nakaharap sa computer, painom-inom ng kape habang kausap ang mga boss. Pero lahat ng iyon nagbago. Lalo na ng humarap ako sa realidad na may dalawang mukha meron sa trabaho. Ang magtrabaho para kumita ng pera at magtrabaho para makapanlamang ng kapwa.

"Ah kuya. May pera ka pa?" tanong ni Janel sa akin.

"Bakit?!" ayaw ko na sanang magtanong pero alam ko sa school niya gagamitin.

My Girl Is A ManCerita yang bikin terobses. Temukan sekarang