Tulay
By:Mendelian_ssc08
_
_
_
_
Tulay ako sa kanilang pag-iibigan. Ako ang dahilan kung bakit sila naging magkarelasyon. Ang taong minahal ko at ang best friend ko ang nagkatuluyan, at ako ang tulay.
Ikukuwento ko sainyo.
Naalala ko noon, matagal ko nang mahal si Andrei. Simula elementary palang kami ay crush ko na siya, pero pagdating ng high school, ang simpleng pagtingin ko sakaniya ay umusbong pa. Krass ko lang siya dati,pero hindi ko namalayan na habang tumatagal na, mahal ko na pala siya. Close kami sa isa't-isa kaya lagi ko siyang kasama at kausap. May isa pa kaming bff, siya ay si Khate. Maganda siya, lahat ng lalaki ay nagkakandarapa sakaniya.
Naalala ko noon, tinanong ako ni Andrei kung pwede ko pa daw siyang tulungan. Dahil sa mahal ko siya,lahat ng bagay na gusto niyang gawin at ipagawa ay gagawin ko. Pumayag ako na tulungan siya. Sabi niya saakin kung pwede ko daw siyang tulungang manligaw. Pagkarinig ko palang noon ay parang nabingi ako. Hindi agad ako makareact non. Nagulat ako sa sunod na sinabi niya,kung payag daw ba akong tulungan siya na ligawin si Khate,ang bff namin.
Labag man sa kalooban ko, pumayag ako na tulungan siya. Mahal ko kasi siya kaya handa akong magpakatanga sakaniya. Pursigido siya sa panliligaw kay Khate. Matagal na rin pala na may gusto siya kay Andrei, hindi niya lang daw masabi. Walang pakeme-keme,sinagot agad ni Khate si Andrei. Masaya na sila. Habang ako,hindi ko pa rin matanggap. Mahal ko siya, pero bat ganon? Hanggang pagkakaibigan lang ba ang kaya niyang ibigay niya saakin?! Nasasaktan ako, naiinis!nagagalit! Pero wala na akong magagawa. Sila na. At ako ang naging tulay
Ako ang nagsilbing tulay sa kanilang pag-iibigan. Magkakaibigan kaming tatlo. Tinulungan ko si Andrei upang maging sila ni Khate. Ako.Ako.Ako. ang tulay!
Characters:
Andrei
Ako(Mae)
Khate
The End
Author's Note:
Thanks po sa pagsusupport niyo po saakin. Sorry po sa mga typos. Sana nagustuhan niyo po. Don't forget to leave a comment down at the commet box and pls vote. Continue to support and guide me. All comments are will be appreciated(even bad comments)😂
Thanks❤. Lovelots😍 Saranghae😘
