“Hoy! Babaeng haliparot na malaki ang pagnanasa sa katawang lupa ko! FYI hindi jutay ang nota ko no! Bigalou (big) itich! (ito). Baka nga ma sholbugan (matalbugan) ko pa ang mga exes mo!”

“Yun naman pala eh. Pahawak!” Lumapit siya kay Elvin. Agad naman itong tumakbo papalayo kahit nasa tubig.

“OMG! Kathryn! Masasabunutan kita sa kakalandi mo sa akin! Rape!”

Napatigil si Kathryn sa kakasunod sa Sinta niya, halos maihi siya sa kakatawa. Ang sarap asarin. Ang bilis nitong nakarating sa pangpang.

“Stop! Hanggang jan ka lang!”

Tawa pa rin ng tawa si Kathryn, sumasakit na ang tyan niya sa kakatwa. “Gagang toh!” Biglang may naisip si Elvin para makaganti, nasa pangpang na kasi si Kathryn kaya bigla siyang lumapit rito at binuhat ang kanyang Sintas ng sapatos na parang papel.

“Ibaba mo ako, Sinta.” Syet! Lungs! Hangin! Breathe in breathe out, Kathryn.

Hindi siya pinakinggan ni Elvin, ibinaba nga siya pero sa may buhangin sabay pumaibabaw sa asawa. He was teasing her! Ang lapit lapit ng mukha ni Elvin kay Kathryn.

“Ang harot mong babae ka. Gusto mo ng laro ha. Sige, magkikilos ka jan.” Nakapatong na si Elvin kay Kathryn, clasping her hands sa taas para hindi ito makaalpas.

“Rape! Rape na to!” Natatawang sabi ni Kathryn. Kinuha ang linya ni Elvin kanina.

Si Elvin naman ang malutong na napahalakhak. This Sintas of him never fail to amuse him. Tulaley naman si Kathryn. She is always mesmerized by Elvin’s laughter. Ang sarap-sarap sa tenga, lalaking-lalaki. Isn’t he aware that she is turned on with his laughter? Malamang hindi!

“NM na tayo, Sintas, ngayon na.” Ito na naman ang nang-asar sa kanya.

“Waaaaaa! Not now, not here! Huwag namang live show ang dating, Sinta. Ewww!”

Tumawa na naman si Elvin, lakas makahamon ng babaeng ito ng NM pagkatapos aatras.

“Akala ko ba bet mo ang NM, ngayon, gawin na natin, Sintas.” He said using his uber sexy voice, sabay lapit ng mukha kay Kathryn.

“Huwaaaaggg! Not here! Sa cottage tayo.”

“Ditech ang gusto ko!” Asar nito. Hinalikan ang tungki ng kanyang ilong. Papunta sa noo, then sa ilong ulit. Lungs! Sa lips na ang kasunod! Homayghad!

Hoy! Kayong dalawa! Unsa na? (ano yan?) Bawal yan dito. Adto sa inyong cottage! (Pumunta kayo sa cottage ninyo)”

 

Si Mamang lifeguard! Epal lang!

“Hmp! Nagrereact ang lifeguard slash gardini (security guard), baka betchiwariwariwaps (gusto) niya ileptolelang kita sa harap niya.”

“Heh! Huwag mong patulan, alis na kasi at ambigat mo, Sinta.” Hindi naman siya mabigat, hindi lamang siya komportable na ganito ang posisyon nila.

“Ligo na nga lang tayo ulit, Sintas. Sakay sa likod ko, dali!”

Sumunod naman ang asawa sa kanya. Ang sweet lang ng Sinta niya, asan ang bakas ng pagka bakla? Tawa sila ng tawa hanggang sa mapagod at magpasyang bumalik ng cottage. On the way ay may nakasalubong silang tauhan ng resort.

“Hi Ma’am, Sir, may fun gay night po tayo on Saturday, bukas na po, meron po tayong Barako Beki Singing Contest. Ma’am, baka po gusto ninyong isali si Sir?” Nakatingin it okay Kathryn.

“At bakit ko isasali ang Hubby ko?”

“Ma’am, for fun lamang naman po, lalaking kakanta po ng any beki songs, kaya po Barako Beki Singing Contest.”

“Ah, okay, sige, ilista mo ang Sinta ko.”

“Bakit ako? Huwag Miss.”

“Sinta naman oh, sige na. Alam kong kaya mo yan.” Lambing nito sa kanya. “Ilista mo, Miss, Elvin Yue Fernandez.” Nakangiting sabi nito sa babae.

“thanks, Ma’am. Maganda po ang prize natin, three day stay in our suite room for free, in case po na nakapag checked in na kayo, irerefund po naming ang bayad.”

“Anong akala mo sa amin, wiz datung?” Imbiyernang sabi ni Elvin.

“Po?” Nagtatanong na sabi ng babae.

“Ah, nagbibiro lang ang Sinta ko, nagpapraktis para bukas.” Pinisil ni Kathryn ang braso ni Elvin.

“Ah, sige po, Ma’am, Sir, bukas na po nang alas sais ang contest natin, magkita na lamang po tayo sa may pavilion ha. Pwede po kayong mag practice sa ating available na videoke machine, Sir, since official candidate naman po kayo.”

“Bakit, pumayag na ba ako?”

“Pumayag na siya, Miss. Sige na. Sasali ang Sinta ko.” She dismissed the girl.

“Baketz! Wiz ko knows kumanta!”

“Wiz ko knows your face! Ang ganda kaya ng boses mo, Sinta. Don’t worry, punta tayong pavilion mamaya, magpractice tayo.”

“At ano ang kakantahin ko na beki song aber? I kennot the bahay kubo!”

“Hindi naman bahay-kubo, para sa akin lang ang version nay un. Ano kaya kung Let It Go nung Frozen, Beki Version?”

*******************************

I just wanted to update simply because it’s July 14, Monday.

-Xian-

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now