Hatid ng amoy kape productions and kabaliwan ng utor na si Maryah sa gabing nilalamig siya at tanging teddy bear lang ang kasama ngayong February 12, 2017 ika-7:18 ng gabi. Mga panahong baliw pa siya sa taong baliw sa iba.
_____
Hindi ko alam. Ikaw ang X na laging hinahanap sa equation, given ang Y. Ako nandito lang ikaw hinahanap pa, mahirap kang kunin lalo na kung isang tulad ko ang maghahanap sa exact value mo, kung saan ka makikita sa lawak ng graph, yung exact location mo para magkasilbi na ako. Mahirap sagutan ang tanong na hindi mo naman maintindihan, pilit mong inintindi at pinag-aralan sa loob ng maraming taon pero hanggang ngayon wala ka pa ring masagot.
Sa tuwing susubok ka may mali, may negative at minsan lumalabas na zero ang value mo pero sana... hindi ka naman imaginary di ba? Mahirap kasing kunin 'yon. Hindi sakto sa kung ano ang dapat kong makuha para masabi kong nasagutan ko na nga. Kasi kung imaginary ka...
Oo magkakasilbi ako pero parang lokohan lang rin dahil alam nating hindi 'yon ang pinaka sagot kahit pa sabihin ng prof mo na 'yon na ang final answer. Nararamdaman ko na may mali pa rin.
DU LIEST GERADE
Tachypnea
Kurzgeschichtenn. rapid breathing warning: a one sided not so love story . read at your own risk
