Mr. Stranger 18:

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hoy! Kinakausap kita! Wala kang modo ah?!" Singhal pa rin nito.

"Ang ingay mo. Kakahiya ka kasama..." Mahinang sabi ko sa malamig na tono.

Napakunot-noo nalang si Mandy sa sinabi ko. Magsasalita pa sana siya kaso di na niya natuloy dahil napansin niyang nakatingin ang ibang tao sa kanya.

"Hmp!" Sabay hirap nito. Kinuha nito sa mini bag niya ang kanyang cp."Ang tagal ni Manong driver! Asan na siya?!" Turan nito habang tinatawagan ang driver nito na susundo sa kanya. Mabuti di pa niya nakikita si Clive. Di niya malalaman na buhay pala ang magiging fiancé sana niya.

Bigla nalang may pumasok sa isip ko ng isang kalokuhan. Mukhang magiging katawa-tawa itong gagawin ko.

Tiningnan ko si Mandy at napatingin rin ito sakin nang makitang nakatingin ako sa kanya. Napatigil siya sa pagta-type sa cp dahil bahagyang namumula siya sa mga titig ko.

Ee ano pa ba? Titig ko palang kasi pamatay na. Tiningnan ko siya na parang nagagandahan ako sa kanya.

"B-bakit?" Nautal tanong nito habang bahagyang namumula ang pisngi niya.

"Ang ganda-ganda mo talaga, Miss Mandy." Sabi ko sa kanya.

Halatang kinilig na tumawa ito."May lahi kasi kami ng kastila. Ikaw? Anong lahi ka?" Sagot at tanong nito sabay flip ng hair. Mukhang kina-career na niya na totoo yung sinasabi ko.

Gandang-ganda na siya sa sarili niya.

Ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko."Lahi kami ng mga...SINUNGALING." Pagbabasag ko sa mood niya.

Napabagsak balikat nalang siya sa sinabi ko at nawala na lang yung feeling niyang gandang-ganda nga siya sa sarili niya.

Saktong may huminto na sa tapat ko ng taxi. Nakangiti pa ring nakakaloko nang pumasok na ako sa taxi.

Bago pa man umalis ako, galit na galit na sumigaw si Mandy sa inis dahil ginawa kong pangti-trip sa kanya.

"Dylan!" Gigil na gigil na sigaw nito sa inis.

Kumaway pa ko ng kamay bago umandar na ang taxi na sinasakyan ko at nagsisigaw lang sa inis si Mandy halos nagpapadjak-padjak pa siya ng papa sa sobrang galit.

"Makakabawi rin ako sayo! Unggoy ka!" Sigaw nito nang nakaalis na ako.

Tumawa lang na tumawa lang ako.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Di ko alam bakit niyakap ko ng ganun si Sir Johnser. Tapos nakakapagtataka, di siya nagalit sa ginawa ko pero umiyak naman siya sa balikat ko. Siguro, ganun talaga ang mga tao pag may dinadalang problema saka kailangan nila ng kaibigan na masasandalan. Nakakalimutan nila ang masamang ugali nila.

Mabait naman pala si Sir Johnser. Sa chismis kasi dito sa building, napaka-demonyo raw ng ugali ni Sir. Nasasabi lang nila iyan kasi pinagbabasehan kasi nila sa mga chismis. Ang totoo kasi kaya nagaganito ata si Sir kasi dahil may problema siya.

Tapos na ko maglinis ng office niya saka sabi niya di raw siya uuwi kasi gusto raw niya mapag-isa. Doon nalang daw siya matutulog sa office niya.

Sa totoo lang, naaawa ako sa kalagayan ngayon ni Sir Johnser. Alam ko ang nararamdaman niya ngayon. Syempre, naranasan ko na rin yan yung panahon na kailangan ko maging perpekto sa gawaing bahay. Napapagalitan ako ni mama kahit nakakagawa lang ako ng kunting mali o palpak. Kaya I feel you, Sir Johnser.

Palabas palang ako ng entrance nang maalala si Clive. Paktay! Sigurado akong naghihintay na iyon sa akin.

Dali-daling lumabas na ako ng building at lumingon-lingon ako sa paligid na nagbabasakaling makita si Ros. Kahit ni isa, wala akong nakita. Puro sasakyan lang ang nagsisidaanan.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon