"Date, di mo po alam Papa?punta tayo sa bukid tapos hug mo ako hug kita. Tapos usap usap, tapos kiss mo ko sa lips, ganon. Tama po ba ako ate Berta?"inosenteng tanong pa nito sa asawa ng tauhan niya.

Napuno ng kantiyawan ang buong talyer niya. maging ang mga nagpapagawa ng mga sasakyan nakikikantiyaw na din sa kanila ni Rhiane.

"Rhiane, hindi mo dapat sinasabi ang mga ganon"sermon niya dito.

"Huh? Bakit dapat ba secret lang natin iyon?"inosente na namang sagot nito sa kanya.

Napapikit nalang siya, nang magmulat na siya ng mata niya he just grab Rhiane's wrist and just gone out. Hinila niya ito sa tapat ng motor niya at maingat na sumakay sila doon. hindi niya alam kung saan sila papuntang dalawa basta magkasama lang silang dalawa at nagdrive lang siya ng nagdrive.

Huminto sila ng makaabot sila sa isang burol, kung saan doon sila nagpalipas ng oras na dalawa. hindi naman sila nag-usap na dalawa, tahimik lang silang nakatingin sa kabukiran sa harapan nila.

"Rhiane"

"Claude"

Sabay silang nagsalita. Pero agad din siyang nakaramdam ng gulat sa pagsasalita ni Rhiane. Ito ang unang beses na tinawag siya nito sa pangalan niya simula ng makasama niya ito.

Panay 'papa' lang ang tawag nito sa kanya.

"Gusto kita"anito pa habang nakatitig sa kanya.

Seryoso itong nagsalita, malayo sa pagiging isip bata na madalas niyang makita dito.

"A-ano?"

Nakakabakla man pero nautal siya sa pagsasalita. Nawalan pa nga siya ng kakayahan na magsalita o magrason sa mga sinabi nito sa kanya.

"Gusto kita, ayokong umalis dito. Pwede mo ba akong ligawan, gaya ng sinabi ni Ate Berta? Kasi kapag asawa na kita hindi na ako kukunin ni nanay"anito pa.

Doon mas lalo siyang nawalan ng masasagot sa sinabi nito. 'Asawa' parang bumibilis ang pintig ng puso niya habang paulit ulit niyang iniisip ang sinabi nito sa kanya.

"Nagbibiro ka lang"iyon ang nasabi niya dito.

Mula sa pagiging seryoso bigla itong ngumiti ng sobrang lawak na kulang nalang makita na niya ang gilagid nito sa pagkakangiti. Sabay taas ng dalawang kamay nito at pikit ng mga mata. Parang dinadama nito ang hangin na humahaplos sa kanilang dalawa. malayang tinatangay ng hangin ang nakalugay na buhok nito.

"Ang lamig"sabi pa nito.

Tumayo pa ito at nagpaikot ikot sa harapan niya na para bang ginagaya pa ang isang ibon na lumilipad dahil panay ang kawag nito ng mga kamay nito.

"Claude, gusto ko ganito nalang tayo. Masaya ako dito, mahal"sabi pa dito habang patuloy sa ginagawa nitong pakikipagsayaw sa hangin.

Natulala nalang siya sa sinabi nito sa kanya. kanina lang asawa, ngayon mahal na ang sinasabi nito sa kanya.

"Rhiane"halos paanas na niyang tawag dito.

Huminto ito sa ginagawa at seryoso na namang nakatitig sa kanya. hindi na mababakas ang isip batang Rhiane na inalagaan niya ilang buwan na ang nakakaraan.

"Dalaga na ako, pwede mo na akong mahalin at pwede mo na akong halikan Claude. May sakit lang ako sa pag-iisip pero kahit isip bata ako alam ko ramdam ko, mahal kita isip bata man o nasa matinong pag-iisip mahal kita Claude"madamdamin pa nitong turan sa kanya.

WERE MARRIED? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon