"Claude, may naghahanap sayo"sigaw naman ng isang kasamahan niya sa talyer niya.

Nakahinga naman siya ng maluwag ng kahit papaano makakatakas siya sa katanungan ni Ganda sa kanya. hindi na niya ito sinagot pa at basta nalang iniwanan. Makahulugan nalang na nagkatingin sila ni Nana Cely bago siya lumabas ng bahay niya.

Sa labas naman napansin niya ang isang may edad na babae ang kasama ng dalawang pulis sa bayan nila. Hindi naman pamilyar sa kanya ang matanda, ngayon lang niya ito nakita.

"Sir, anong satin?"tanong niya sa pulis pero hindi inaalis ang tingin sa matandang babae na ngayon ay nakatitig din sa kanya.

Mababakas ang lungkot sa mukha ng babae habang nakatitig sa kanya. kitang kita din niya ang pangingitim ng ilalim ng mata nito na masasabing kulang ito sa tulog.

"Tungkol ito doon sa nireport mo sa prisinto Claude, iyong babaeng napulot mo"sagot nito sa kanya.

Doon lang siya napabaling sa pulis na nagsalita. Ewan pero parang nakaramdam siya ng takot sa kapupuntahan ng pag-uusap na ito.

"Anong po ibig niyong sabihin sir?"kinakabahan niyang tanong.

Kahit na may ideya na siya kung sino ang kasama ng mga pulis, umaasa pa din siyang mali siya ng iniisip. Sa isang linggo niyang kasama si Ganda napalapit na kasi siya dito, na ultimo paggawa niya sa talyer o pagpunta niya sa bukid kasa-kasama niya ito palagi.

"Ito kasing si Misis Guinto nawawalan ng anak may isang linggo na ang nakakaraan. Dalagang anak ang hinahanap niya na nasa bente anyos ang edad. Gaya ng inireport mo sa opisina noong nakaraang linggo lang din. Nagbabakasakali lang si Misis na ang anak niya ang nakuha mo"paliwanag ng pulis.

Bumilis naman ang pintig ng puso niya sa sinabi ng pulis sa kanya. muli niyang binalingan ang ginang na ngayon ay naiiyak na habang nakatitig din sa kanya. habang tumatagal niyang tinititigan ang matanda nakikita niya ang pagkakahawig nito kay Ganda.

"Ahh, sandali lang po nasa likod kasi sila ni Nana Cely naglalaba. Tatawagin ko lang, pasok po muna kayo sa loob"paanyaya niya sa mga ito.

Pagpasok naman niya sa loob ng bahay nakita niyang akay-akay na ni Nana Cely si Ganda papasok sa loob ng banyo para siguro maligo na. dahil sa totoo lang basang basa na ito, parang naligo na ito habang naglalaba sa sobrang basa.

"Ganda"tawag niya sa dalaga.

Nakasimangot na nilingon siya nito, nakakunot din ang noo nito habang nakatitig sa kanya.

"Magbihis ka may bisita tayo, bilisan mo ha"bilin niya dito bago siya tumalikod.

Mabibigat ang bawat hakbang niya papalapit sa ginang na maaring ang ina nga ni Ganda. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. may parte sa kanya na parang gusto niyang ipagdamot si Ganda, na wag nalang niyang ipakita ito sa ginang para hindi ito makuha sa kanya.

"Sandali lang ho, maliligo lang po si Ganda, kasi nabasa po siya sa paglalaba"imporma niya sa mga bisita nila.

Hindi naman nagtagal lumabas na din si Nana Cely at ganda mula sa loob ng bahay. Bagong paligo na si Ganda at maayos na ang damit nito. buti nalang walang gawa ngayon sa talyer nila kaya walang ibang tao ngayon kundi sila lang at ang dalawang tauhan niya sa talyer.

"Rhiane anak ko!"palahaw namang ng ginang ng makita nito si Ganda.

Nahigit niya ang sarili niyang hininga ng walang anu-ano'y nilapitan ng ginang si Ganda at mahigpit itong niyakap.

WERE MARRIED? (COMPLETED)Where stories live. Discover now