It's a usual morning for a student like me. Papasok sa school ng maaga. Maghihintay sa mga kaklase kong dumating. Napatingin ako sa bintana.
Napabuntong hininga ako. Tatlo pa lang kami plus the fact wala talaga akong ka close dito sa classroom. Mapait akong ngumiti dahil sa mga ala-ala ko na pilit bumabalik dahil sa kalagayan ko ngayon.
Mag-isa na naman ako sa classroom. Paano ba naman kasi ang aga-aga kong pumasok. Nagwalis muna ako ng konti kasi cleaners ko ngayon.
"Sipag ah!"
"Ah shit!" Napamura ako sa gulat. "Wag ka ngang nang-gugulat Ken!" Sigaw ko sa kaniya.
Tumawa naman s'ya sa reaction ko. "Ang aga-aga high blood ka na agad. Kaya ka hindi tumataba eh." Pang-asar n'ya. Umupo na s'ya sa upuan n'ya at nilabas ang cellphone nito.
"As if naman na gusto kong tumaba! Tsaka pwede ba, maglinis ka muna bago magcellphone d'yan! Cleaners natin ngayon!"
"Ha? Monday ba ngayon?"
"Hindi! Kaya nga cleaners natin eh!" Sarkastiko kong sagot sa kaniya. Tsk.
"Oo na. Ito na. Tinatanong ng maayos e." Tumayo na s'ya saka kumuha ng walis tambo.
"Wala ba kayong calendar sa bahay n'yo para magtanong ka pa?"
"Meron pero di ko naman tinitingnan."
"Ahemm!" Napalingon ako sa pinto. "Ayiee! Kayo ha, nagsosolo pala kayong dalawa."
Pinandilatan ko si Eden. "Shunga! Anong solo ka d'yan!" Sarap sapakin nitong best friend ko. Porket alam n'ya na crush ko 'tong si Ken, mang-aasar na lang basta-basta.
"Halika." Hinila n'ya ako palabas ng classroom. "May chika ako sa'yo."
"Ano na naman 'yon?"
"Wag kang mahuhurt ha?"
