"Take this. Hindi ka pa kumain. Then close the door," mahinang sabi ko at pilit na inabot sakanya ang take out na kinuha ko sa kinainan niya kahapon.

"Are you really sick?" may bahid ng pag-aalala sa boses niya. Umupo rin siya at dinapo ang isang palad sa noo ko.

"I guess so. Kunin mo na 'yan at kumain ka na. Saan yung ospital?" pinilit kong sabihin. Hindi ito ang plinano ko. Gusto ko na komportable kaming dalawa kapag magkita ulit kami. "Pasok ka na," sabi niya rin lang sa huli at inakay ako patayo. Sumunod nalang ako dahil gusto ko na talagang humiga. Tinulungan niya akong sumampa sa sofa. Nanginginig na ang buong katawan ko. Pinikit ko na rin agad ang mata ko na parang pagod na pagod.

"Kumain ka na ba? Para alam ko kung anong gamot ang ibibigay sa'yo," narinig kong sabi niya.

"S-sasabayan s-sana k-kita," pautal utal na sabi ko. Natahimik nanaman hanggang sa may umupo sa may uluan ko.

"Get up and drink this," sabi niya. Tinulungan niya akong umupo at pinainom ng gamot. Parang nabawasan agad ang sakit na nararamdaman ko dahil nandito siya sa tabi ko.

"T-thanks. L-let me crash here for a while...." pasasalamat ko sakanya. Unti-unti ay nakaramdam ako ng antok hanggang sa tunog nalang ng hangin mula sa labas ang huling maalala ko.

***

Si Lee agad ang nakita ko nang magising ako. Tulog ito sa sahig habang nakahilig ang ulo sa may sofa. May bimpong nakapatong sa noo ko at isang maliit na basin ng tubig sa may tabi niya. Kinumutan niya rin pala ako. Dahan-dahan akong bumangon at binuhat siya para ipahiga sa sofa. Pasado alas syete na pala ng umaga. Siguradong napuyat siya kakaalaga sa akin eh may trabaho pa siya mamayang alas otso.

Dumiretso ako sa kusina niya at tumingin ng puwedeng i-luto. Halos gulay at prutas ang laman ng ref niya bukod sa ilang itlog at strips ng bacon. Saktong katatapos kong magluto nang magising siya.

"Good morning. Breakfast?" tawag ko sakanya.

"LATE NANAMAN AKO SA WORK!" sabi niya agad nang makita ang oras. Nanaman? She's never late—except for that time that I left her and she wasn't able to take a quiz during high school. Napangiti tuloy ako habang inaalala iyon.

"Tinawagan ko na ang diner na pinagtratrabahuan mo at sinabing hindi ka muna papasok ngayon. They said ok."

"You what? Why?" hindi siya makapaniwala sa narinig. Pinuntahan niya ako sa kusina at nakita ang mga niluto ko.

"Late ka rin lang kaya hindi na kita ginising. Kain na tayo?"

"I took you in because you were sick. Mukhang okay ka naman na eh. Wala ka ng lagnat kanina, I checked when---" napahinto siya.

"Just eat. Take it as a thank you gesture. Pinainit ko na rin 'yung dapat na kakainin natin kagabi," nakangiti ako samantalang siya naman ay sobrang seryoso ang mukha.

"Hindi, late man ako, papasok parin ako. Ikaw? Sigurado akong hindi naman ako ang pinunta mo dito, tama? You just happened to know I'm here that's why you visited? As an old friend?" sunod-sunod na sinabi niya na para bang sinasabihang 'umalis ka na'.

"Honest answer? I came here for you. Kakain ka ba o gusto mo pang subuan kita?"

"I need to work. I don't really have a lot of free time for this."

"Aalis ako kapag sinagot mo ang tanong ko."

"Fire away, nang matapos na ito. I'm not really comfortable with this."

"What have you done?" I said in a desperate voice and was not really asking. Imbes na sumagot ay dinako niya ang tingin niya sa isang sulok ng apartment niya. She was looking at a hanged picture frame. Litrato naming dalawa ang nandoon—noong high school pa.

"You cut me off," basag ko sa katahimkan. Umupo ako at nilagyan ng pagkain ang pinggan niya. Ilang sandali pa ay umupo rin siya.

"If I eat, will you leave?"

"Not really," diretsong sagot ko.

"Salamat sa pagakain," sabi lang niya.

Tahimik kaming kumain. Ako naman itong laging nakakatitig lang sa mukha niya. Habang nililigpit niya ang pinagkainan namin ay sinagot ko ang tawag ni Brie. Kahapon pa kasi tanong ng tanong kung uuwi na si Lee eh.

"Gusto kang kausapin ni Brie, ako na ang magliligpit diyan," lapit ko sakanya. Umiling si Lee. Bumalik nalang ako sa phone at sinabing tatawagan ko sila mamaya.

"Hindi na umuulan, gusto mo bang pumunta sa beach?" alok niya nang matapos siya sa ginagawa niya.

"Okay. Let's talk there," ngumiti ako.

Habang hinihintay ko siyang mag-ayos ay inikot ko ang apartment niya. She really travelled huh? What really made me happy was that in every picture that she's in, she was wearing the necklace I gave her. Mula sa leeg ko ay kinapa ko rin ang kuwintas ko.

"Tara na, let's take the bus," sabi nito. Sumunod ako sakanya palabas.

Habang papunta kami sa beach ay nagtanong-tanong nalang ako tungkol sa lugar na ito para hindi siya mailang. Just like the Lhaine I knew, she was really into talking about trivias and historical facts.

---

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon