Living In Your Love

6 1 0
                                        

Magsa-summer na ngayon at talagang napaka-init ng panahon.

Isang araw sa isang coffee shop, may isang lalaki ang relax na relax na nagka-kape habang pinapanood ang mga taong dumadaan sa labas ng bintana ng coffee shop.

Noong tumayo siya para umalis, nagulat siya nang bigla nalang may babaeng nadapa sa tabi niya.

"Okay ka lang, Miss?" tanong niya sa babaeng nadapa habang inaalalayan niya itong tumayo.

Tumingin yung babae sa kanya na parang nagulat din sa nangyari sa kanya at agad na tumayo at inayos ang sarili.

"Uhm... Okay lang ako. Napatid lang kasi ako. Sorry ah." mahinhin na sagot nung babae.

"Oh. Sorry. Ako ba nakapatid sayo?" Nag-aalala niyang tanong.

"Ah. Hindi. Hindi. Lampa lang talaga ako Haha!" nahihiyang sagot ng babae, "Uhm, sige ah. Alis na ako. Pasensya na ulit sa abala. And thanks sa concern." nakangiting pagpapaalam nung babae at saka umalis.

Habang pauwi yung lalaki, hindi maalis sa isip niya yung babae.

Hindi niya alam kung bakit. Pero pakiramdam niya, gusto niya ulit makita yung babae.

Nanghihinayang din siya dahil hindi niya natanong yung pangalan nito.


Makalipas ang isang linggo, pumunta ulit yung lalaki sa paborito niyang coffee shop para mag-relax at umupo siya doon sa usual niyang upuan.

Sa pag-upo niya, naalala niya yung babaeng nadapa at tumingin siya doon sa tabi ng table niya kung saan nadapa yung babae saka ngumiti.

Habang umiinom siya ng kape ay bigla nalang may umagaw ng atensyon niya mula sa kabilang dulo ng shop.

Meron kasing nag-tatalo doon.

"Ano ba?! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" galit na galit na sigaw nung babaeng mukhang sosyal.

"Sorry po. Hindi ko po sinasadya." sabi naman nung isa pang babae na nakaupo sa sahig.

Nang makita nung lalaki yung babaeng nakaupo, nalaman niyang iyon yung babae noong nakaraan na nadapa sa harap niya kaya agad siyang lumapit dito.

"Are you okay?" tanong niya doon sa babaeng naka-upo at inalalayan niya ulit na tumayo ito.

"Hoy! girlfriend mo ba yan?" mataray na tanong ng sosyal na babae, "Sabihin mo nga dyan na mag-ingat naman siya at tumingin sa dinadaanan niya nang hindi nakakaperwisyo sa ibang tao." dugtong pa niya.

Hindi nalang sumagot yung lalaki at hinayaan nalang makaalis yung sosyal na babae.

Dinala nung lalaki yung babae doon sa table niya saka ito kinausap.

"Uhm, na- nadapa ka nanaman ba kanina?" alangang tanong nung lalaki.

Sumulyap yung babae sa lalaki at saka binalik yung tingin sa ibabaw ng table saka marahang tumango.

"Ahaha! Kakaiba ka naman." awkward na tawa ng lalaki at noong mapansin niyang hindi natawa yung babae, naalis na yung ngiti niya sa labi at umubo nalang kunyari.

"Uhm, by the way, I'm Jaelo [read as Je-Lo]." Pagpapakilala nung lalaki sabay taas ng kamay niya para makipag-shake hands at inabot naman iyon ng babae.

"Jaelo pala ang pangalan mo. Nung isang linggo ko pa pinagsisisihan na hindi ko natanong yung pangalan mo." Nahihiya at mahinang sabi nung babae na ikinagulat naman nung lalaki.

"Huh?"

"Huh?" pag-ulit nung babae hanggang sa marealize niya kung ano yung sinabi niya, "I-I mean... Ano... Uhm... Hi-hindi ako nakapagpasalamat sayo ng maayos." Namumulang mukha na sagot nung babae.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Living In Your Love [ONE SHOT]Stories to obsess over. Discover now