Yumuko nalang ako at Umalis na At pumunta sa sarili kong upuan. Nakinig nalang ako Sa buong klase.
Hindi ako Umiimik. Naninibago nga yung mga Classmates ko ehh.
Di ko siya Pinapansin. Siya naman tong Di nakikinig at nagbabasa lang.
Di ko pa pala Sinasabi sa inyo na Siya lang naman ang pinaka heartthrob Dito sa buong campus. Palagi siyang pinagkakaguluhan siya lang naman si Jemuel Mico Eugenio. Ang anak ng Founder ng School namin.
------------
Pauwi na ako ngayon. Walking distance lang naman yung school namin sa bahay namin eh. Di naman kasi kami mayaman, di rin kami yung sobrang dukha. katamtaman lang naman.
Habang naglalakad ako. Napaisip ako na... hindi parin ako pinapansin ni Kenoy. Siyempre nasasaktan ako. Siya kasi yung Heartthrob na Hindi mayabang kaya marami ang nagkakagusto sa kanya
Nakarating na ako sa bahay namin. Tsk. Dating routine lang naman eh. Kaya I went upstairs nalang at pumunta sa room ko. Doon nalang ako mag iisip at mukhang inaantok narin ang prinsesa nyo. Chos!
-kwarto-
Katatapos ko lang maligo at andito ako ngayon sa kama pinapatuyut yung buhok ko. And as I was thinking kanina na baka nagalit na sa akin si Kenoy. Hmmp. Nagtampo na Siguro. Hayaan mo na! Itulog ko na muna ito tapos bukas ko na siya susuyuin! HAHA!! Babae ang manunuyo? Parang di maganda sa pandinig ha! Yaan na.
Sa dami ng Iniisip ko ay nakatulog na ako. Tsss.
-----
Nagising ako sa sunod sunod na katok sa pintuan ko.
"Yan, Gising ka na anak. may naghihintay sayo sa baba. Hintayin Ka Daw Niya. Sige Nak Una nako ha?" Sabi Ni mama sa labas habang Sunod Sunod na kumakatok sa pinto.
"Opo Ma, Ingat po kayo." Di ko alam kung narinig niya pa yung sagot ko kasi tumigil na yung pagkatok eh.
Wait, ano nga ulit yung sinabi ni mama kanina? May bisita ako? Ngayon lang yan ah!
So I did my daily routine. Tsk. So After 1 hour. tapos na ako. I checked my Uniform. Woah! Ang ganda ko talaga!
Bumaba na ako upang tignan yung Bisita kuno. Na sinadabi ni mama. Pagkababa At Pagkababa ko ay...
Nauntog ako at nahimatay. THE END-- DE JOKE!! Nakita ko lang naman ang isang napakagwapong nilalang na nag hihintay sa akin. Waah!! Ang Gwapo Ni Mico! He is wearing a Black and white Checkered long Sleeves and a Pure white Pants And a branded black pair of shoes.
Waits ulit, Di siya Naka uniform!! Anong araw naba ngayon? I frowned at the calendar Beside me and
Waaahhh!!!
It's SATURDAY!!
-_- at nakahighlight na doon sa calendar na may friendly date kami ngayon !!
Lumapit siya sa akin na Sobrang Lawak ng Ngiti! Woah! Bigla ko namang naramdaman ang Pag init ng aking mukha. at Yumuko nalang ako upang itago iyon.
Pero biglang naglaho iyon ng Nakita nya tung suot ko.
"Nakalimutan mo?" At nagpout siya! Oh! Jusmiyo! wag kang Ganyan! Makikiss ko yan.
Nagnod nalang ako bilang sagot. Pero bigla na naman siyang ngumiti ng nakakaloka. Problema neto? (_ _")
Kenoy ^^
Magsimula sa umpisa
