Chapter 9: Proof

922 32 0
                                    


My head is high while entering his company. Siyempre, kailangan nating magmukhang palaban. Kapag trabaho ko na ang pinag-usapan hindi ako susuko. Kahit ano ipagawa na niya sa kin wag lang ang manatili sa bahay.

"Ma'am dito muna po kayo sa labas." Pinagbabawalan ba niya ako? Utos ba sa kanya ng boss niya na paghintayin ako? Sa mga pinapanood kong pelikula kadalasan excuse lang ang lahat.

"Ma'am please po tatawagin ko po kayo kapag maayos na po sa loob." Maayos? Siguradong hindi lang maayos sa loob ng opisina niya, napakaayos dahil nalalanghap ko ang pabango niyang may tatak na 'perfectionist.'

"Huwag mo akong pinagloloko Ms. Reyes. Kung ayaw akong kausapin ng magaling mong amo puwes ako gusto ko siyang makausap." Nilagpasan ko ang sekretarya at binalewala ko ang mga pinagsasabi niya.

Pagbukas ko ng pinto medyo nagtaka ako sa nagaganap pero mas naintindihan ko nang marinig kong magsalita ang babaeng kausap ni Timothy sa loob.

"Sir please. Kailangan ko po ang trabahong ito. Ako na lang po ang bumubuhay sa pamilya namin simula ng mamatay ang tatay ko."

Nagdial ang asawa ko sa telepono saka nag-utos na magpadala sila ng guards para kaladkarin ang babae. Hindi niya talaga kayang makipag-usap ng masinsinan. Talagang ipapakaladkad niya ha? Hindi naman nakapagtataka talagang sobrang taas ang lebel ng ugali niya, nakakakilabot.

Tutuloy pa ba akong makipagtalo para sa trabaho ko?

"Walk out or I'll let the guards drag you." I sighed. Siguro may mabigat na kasalanan ang babae. Wala akong alam kaya wala akong karapatan na makialam. Lalabas na lang muna ako mukhang mali ang hinala ko. Busy lang talaga siya.

"Sir please, maawa po kayo sa kin. Pagod lang po talaga ako kaya ko po nagawang manigarilyo. Hindi na po mauulit. Hindi naman po naapektuhan ang trabaho ko. Isang beses lang po yun, hindi na po mauulit."

Lumuhod ang babae. Tumutulo na ang luha nito at ang mas malala pa napansin ko rin na may pasa siya sa braso at meron din sa mga paa niya.

"Get out! Now."

Pumasok ang mga guwardiya.

"Get her out of my sight!" Dali-dali nilang kinaladkad ang babaeng tuloy pa rin ang pagmamakaawa at pagsigaw.

"Stop!" Hindi ba niya naisip na baka may pinagdadaanan lang ang empleyado niya. Wala man lang bang ni katiting na common sense siyang dala pagdating sa mga taong nagtatrabaho at nagpapakahirap kagaya niya?

Mukhang nagulat siya sa presensya ko.

"Don't you think you're going overboard by firing your employee for a cigarrette?" Ok lang sana kung isang tao na may mapupuntahan ang tatanggalan niya ng trabaho gaya ko.

Alam ko kung ano ang kayang ibigay ng isang anak para sa pamilya niya. Hindi ito tama, napakaliit na pagkakamali. Buhay ang nakataya, buhay ng pamilya niya.

"You don't tell me what to do!" Okay, sanay na akong naririnig yun kaya hindi na ako nasindak. Wala na bang ibang pangungusap ang puwede niyang isumbat sa kin?

"And you don't fire people for a very simple mistake! Where's your common sense?" Oops, mukhang sobrang lakas ata ang pagkakasabi ko.

"Bakit hindi yung sa yo ang hanapin mo? Ako ang nagmamay-ari ng kompanyang ito. Nasa loob ka ng teritoryo ko at wala kang karapatan!"

"Meron dahil asawa mo ako!" Kingina! Sa lahat ng dahilang puwede kong isumbat bat yun ang sinabi ko? Kasi nga wala na akong maidahilan.

"Get out, all of you and close the door!" Napakataas talaga ang tingin niya sa sarili niya.

Heal meजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें