TBW 31 • Relationship

784 25 5
                                    

General POV

"Mahal ano ba nagluluto ako oh"saway ni Vice sa lalaking nasa likuran nya habang kinikiliti ito.

"Di naman ako nanggugulo ah"sabi nito at tumatawa.

"Heh! Alis na umupo ka na dun matatapos na ako"sabi ni Vice at sinunod nalang ng lalaki.

Napangiti ito habang nakatingin sa babae na busying busy naman sa pagluluto.

"Akala ko hindi mo na ako pipiliin eh"biglaang saad ng lalaki.

Napatigil naman ang isa sa pagsasalin ng pagkain at napatingin sa lalaki.

"Diba sabi ko sayo kalimutan mo na yun"sabi nito at nagpatuloy sa ginagawa.

"Sorry,sobrang saya ko lang kasi nung sinabi mong mas mahal mo ako at ako ang pinipili mo"sagot nito at lumapit sa isa.

"Thank you mahal"sabi ng lalaki.

"Nu bang mga pinagsasabi mo!"saway nito at hinawakan ang mga kamay nito.

"Kahit anong mangyari ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko"sinserong saad nito at ngumiti.

"Mahal na mahal kita Vice.."saad ng lalaki.

"Mas mahal na mahal kita.....






































Vhong.."

***

Magkaholding hands ang dalawa habang naglalakad sa hallway ng abs cbn compund may mga bumabati at ginagantihan naman nila ng ngiti at bumabati pabalik.

Dalawang taon na ang nakakalipas simula ng pilian na  naganap.Dalawang taon ng nakalilipas din ng pirmahan ni Terrence ang annulment papers at ipinagpatuloy ang career bilang basketbolista marami mang nagalit,nalungkot at nagulat sa nangyari at hindi na lamang pinansin pa.

At dalawang taon naring matibay at matatag ang relasyon nina Vice at Vhong maraming sumangayon rito may nalungkot man ngunit mas nangingibabaw ang kasiyahan para sa dalawa.

Hindi naging mahirap sa mga tao ang tanggapin dahil halos araw araw na silang nakikitang nagkukulitan at naglalandian sa noontime show noon pa man.

Naging masaya at matibay ang relasyon ng dalawa may pagaaway at hindi pagkakaunawaan ay sa huli ay nagkakaayos rin sila.

Nakabili na ito ng isang condo at kotse na parehong pagmamayari nila.Nagpatayo ng coffee shop na tinawag na VxV Café at naging patok din sa mga tao ang tandem nila sa MMFF.

"Mahal,antayin mo nalang ako sa backstage magaayos lang ako"saad ni Vice.

"Ha?Eh diba nagayos ka na?"tanong ni Vhong.

"Luh? Syempre kailangan dagdagan noh para maganda"sabi nito sabay ayos ng buhok nito.

"San banda?"sarkastikomg sagot ni Vhong.

"Ah ganun?"nagbabantang saad ni Vice.

"Joke lang mahal sige na bye I love you"sabi nito at nagkiss na sila.

The Battered WifeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin