Xamilla anong ginagawa mo dyan? Tititingan mo nanaman ba ang eskwelahan nayan? Ang tanong sakin ng magaling kong kaibigan. Hindi kaya! Nagmumuni muni lang ako sa taas ang burol. Masaya kase ditong magpahingin eh. Sambit ko Kay selena na di maipinta ang muka sa labis na inis.
Xamilla ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala kang mapapala sa pagtingin mo sa eskwelahan nayan! Hindi kadin makakapasok diyan dahil mahirap lang tayo. Kaya wag mo nang pangarapin pa na makakatungtong ka sa paaralan nayan! Galit na sumbat sakin ni Selena
Alam ko! Natigilan sya sa sagot ko. Alam ko naman yun Selena eh. Hanggang pangarap nalang ako. Wala din akong mapapala sa pagtanaw tanaw ko sa paaralan nayan. Mahirap lang diba ko Selena? Kaya nga di ako makapag aral sa paaralan nayan eh! Huwag mo nang ipamuka sakin. Dahil alam ko!
Hindi makapag salita sakin si Selena at nanatiling nakayuko. Alam ko naman na para saakin ang sinasabi niya, ngunit hindi naman nya kailangan na ipamuka sakin na di ako makakapag aral sa paaralan nayan. Alam Kong hanggang pangarap lang ang papasok ko sa paaralan nayan. Ano pa nga bang magagawa ko ganun talaga ang buhay. Mahirap lang ako Kaya dito lang ang punta ko. Tumalikod nako kay selena at naglakad paalis, at bago ako tuluyang mawala sa paningin nya nagsalita ako na syang ikinabagsak ng mga luha ko.
Huwag kang mag alala Selena dahil magmula ngayon hinding hinding kona pangangarapin na magkapag aral sa paaralan nayan. Hindi ko na sasayangin ang oras ko at panahon sa kaiisip kung paano ko makapag aaral sa paaralan nayan. Huwag kang mag alala ito na ang huli. At hayaan mo muna ako.
Naglakad nako paalis sa burol at hindi na muling nilingon si selena na kanina pa tawag ng tawag saakin. Napagisip isip ko na tama ang ginawa ko na tigilan na ang kahibangan ko. Tutal wala naman akong mapapala, mahirap lang ako. Walang pamilya. At sa oras nato isa nalang ang dapat Kong pagtuunan ng pansin. Kung paano ko makikita at babawian ng buhay ang taong pumaslang sa mga magulang ko
_____________________________________
Hello guys! This is my first story so, sorry if pangit ang pagkakaflow ng story Hindi kase ko ganun kagaling na writer kung ano ang nasa utak at imahinasyon ko iyon ang ilalagay ko. Sorry din kung may mga wrong typos at grammatical error. Hahahaha bata palang po ako Hindi ko masyadong gamay ang english. At sa unang makakakita ng story ko. Thankyou agad kase wala pang nakakabasa ng story ko pero guys if ever na makita nyo ang story ko. I would like to say thankyou in advance Hahahaha!
So yun lang at sana suportahan nyo ang story ko. Thankyou again and Godbless
YOU ARE READING
Enchanteus Academy
FantasyEnchanteus Academy. The school that full of Magic,Mystery, And Secret to be revealed
