That was a foul play at nagawa pa nilang tumawa?

Tumahimik na naman ang lahat nang damputin ni Patricia ang bola. Akala namin babatuin n'ya naman si sir. We're all wrong. Nilampasan n'ya lang ito at binanga sa balikat.

Napa oohhh naman ang karamihan.

Nagsimula itong mag-dribble at ibinato ang bulo kay Kelly.

Nagdalawang isip pa silang lahat kung sisimulan na ba ang laro o ano. At the end, the game were started.

Patricia is the substitute doon sa babaeng umiyak kanina. And obviously, magkalaban sila ni Kelly.

Kelly were smirking to her.

Bahagyang napakunot ng noo si Patricia nang makita kung paano magdribble si Kelly ngunit kaagad din itong napalitan nang walang reaksiyong mukha.

Maski ako, kanina pa napakunot ang noo ko cause she's doing it wrong. Minsan dalawang kamay ang gagamitin n'ya sa pagdidribble pero hindi man lang siya sinuway ni sir o kahit sino.

Nasa kay Kelly ang bola at mukhang wala itong balak ibigay sa mga kasama n'ya.

Dali-dali n'ya itong itinapon sa ring at hindi man lang inisip kung aabot ba ito o hindi.

Napatawa ako ng mahina nang parang ibinigay n'ya lamang ang bola sa kan'yang kalaban.

Nasa kay Patricia na ang bola at nagsimula itong mag-dribble.

Ipinasa n'ya ang bola sa kan'yang kasama na malapit sa ring at walang bantay. Ngunit katulad ni Kelly, ibinigay lang din ito sa kalaban.

Napailing nalang ako at bahagyang natawa. Pati mga kasamahan ko naghiyawan na naman. Halatang natatawa din.

“Woooh! Go Kelly malabs!”
“Kelly, talunin mo silang lahat. Woooh!”
“Go Kelly! Go Kelly!”

Nasa kay Kelly na naman ang bola at nagdribble nang dalawang kamay.

Itatapon na naman n'ya sana sa ring nang nakuha ito ni Patricia.

Bahagyan itong nagulat sa ginawa ni Patricia kaya hindi kaagad nakapag-reak. Nang magproseso 'ata sa kan'yang utak ang nangyari, sumama ang timpla nang kanyang mukha.

Sinubukan n'yang habulin si Patricia pero sobrang bilis nito. Parang wala lang kay Patricia  na nilalampasan ang kanyang mga kalaban. Wala itong kahirap-hirap na makarating sa kabilang ring at huminto sa may line.

'wag mong sabihing---

Shoot! Three points!
Parang wala lang sa kan'ya. Mukhang sanay na sanay siyang gawin 'yun. Hindi man lang nagbago ang reaksiyon niya.

Dahil sa inis ni Kelly, binangga niya kaagad si Patricia pero hindi man lang ito natinag. Tinitigan lang siya nito gamit ang walang reaksiyon n'yang mukha.

Nagpatuloy ang laro hanggang---

102-10

Obviously, ang team ni Kelly ang nakakuha nang maliit na puntos.

Tagaktak na ang pawis nilang lahat maliban nalang kay Patricia.

Nasa kay Kelly ulit ang bola at dahil sa frustration siguro, buong lakas n'ya itong itinapun kay Patricia ngutin sa kan'yang dismaya, nasalo ito ni Patricia nang walang ka hirap-hirap.

Mag-eend na ang laro in

5

4

3

Biglang itinapon ni Patricia ang bola kay Kelly at

Sapul na naman.

Sa mukha!

1

0

Pprrrtttt!

Nagsitayuan ang mga kasamahan ko at gulat na tiningnan si Kelly na nasa sahig, nakahiga habang hawak ang mukha.

“Hindi 'yun pwede ah?”
“Foul!”

“Ms. Berdenio! Baliw ka ba? 'bat mo siya tinamaan?” galit na sigaw ni sir Martin sa walang paking Patricia.

Tinitigan niya si Sir at bahagyang nakakunot noo. Ngunit katulad kanina, nawala din ito kaagad.

“Eh, ikaw? Sira-ulo ka ba? O sira-ulo ka talaga?” malamig nitong tanong at tuluyang umalis na parang walang nagyari.

I know, for sure ibubully na naman siya bukas dahil sa nagawa n'ya. Kahit wala naman siyang ginawa, ganoon pa din.

Mabuti nga gano'n lang ang nakuha ni Kelly. Sa kabila nang pagtulak, pagtapak ng paa at pagbangga n'ya kay Patricia.

Ibang iba si Patricia sa lahat.

Latecomer Where stories live. Discover now