Chapter 13: Confessions

50 2 0
                                        

After nang confessions ni Jonathan sa harap mismo nila Tita Flera at Kuya David, lalo siyang naging pursigido na makuha talaga ang full attention ko.

Halos araw- arawin na niya ang pagpunta sa campus para sunduin ako. Hindi niya dinadala iyong motor niya, alam naman daw niya kasi na dala ko iyong sa'kin.

Noong una, halos palagi pa akong nakikipagtalo sa kanya, na nauuwi lang sa paghatid niya sa'kin sa bahay. Tsaka siya aalis na rin kapag na-check niyang safe na sa bahay.

Sa totoo lang hindi ko naman siya pinayagang manligaw, kahit na wala namang problema kila Tita.

Ayoko lang talaga. Pero mapilit siya, noong minsang ngang sinundo niya ako sa school tapos inihatid sa bahay, i've decided to talk to him. Hangga't maaga pa para hindi na siya masaktan sa huli.

"Just stop doing this nonsense thing, Jonathan.", sabi ko sa kanya pagkarating namin sa bahay. Nai-park na rin niya sa garahe iyong motor.

Tumingin lang siya sa'kin tapos bahagyang ngumiti, tsaka nagsalita.

"Nope! I won't, Daem. Hindi agad ako sumusuko sa isang bagay, lalo na't mahalaga na iyon sa'kin at gusto ko rin iyong makuha.", sagot niya habang naglalakad palabas ng gate.

Napatigil naman agad siya  nang magsalita ako.

"Why are you doing this, Nath? You really don't know me still. Marami  diyang iba.", sobrang cliche nang sinabi ko, pero iyon ang totoo.

Humarap siya ulit sa'kin. May nakita akong lungkot sa mga mata niya. Pero agad iyong napalitan ng ibang emosyon nang sumagot siya.

"Tama ka, hindi pa nga kita lubusang kilala, Daem. Pero, can you blame me kung iba ang sinasabi nito at nito?", sabay turo sa bandang ulo niya tsaka sa bandang dibdib niya.

"Ang nararamdaman kasi, Daem. Minsan mahirap pigilan. Wala kang ibang kalaban kundi sarili mo at iyong puso mo. So, kung sa tingin mo mapapatigil mo ako nang dahil lang sa reason mong iyon, well. . ." wika niya na bahagyang pinutol ang dapat niyang sabihin.

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko.

"I won't stop. I'll have my ways to know you better. Pumasok kana, ako na maglo-lock ng gate." pahayag niya tsaka tumalikod at isinara ang gate.

Naiwan lang akong nakatayo at walang maapuhap na salita.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko, sabay bulong sa hangin. . .

"You deserve someone better, Jonathan and it would never be me."

After nang gabing iyon, hindi ko alam kung ano ba ang sumapi sa'kin. Hinayaan ko nalang siya sa mga gusto niyang gawin. Imbes na iwasan ko siya, iba naman ginagawa ko.

"Hey, bunso! Tulala ka nanaman. Something wrong?", tanong sa akin ni Kuya Jered.

Andito kami ngayon sa coffe shop na malapit lang sa school. Wala sigurong ginagawa si Kuya kaya nagyayang magkape.

Napatingin ako sa kanya sabay inom nang inorder kong Frapp.

"Ah! Wala, Ya. May naalala lang ako." paiwas na sagot ko. Knowing Kuya Jered, may alam na ito kung bakit ako nagkakaganito.

"Is it about him?" tanong niya na na nakapagpakunot ng noo ko.

Pero bakit kaya ganun? Wala naman siyang specific na taong binanggit, pero may nagpop-out na pangalan at imahe ng isang tao sa utak ko?

Ipinilig ko ang aking ulo para mawala ang iniisip ko.

"Him? Who?" balik kong tanong sa kanya.

"Naaah! I know you, Nigel. Come on, spill it out. Maybe I could help?" sagot niya sa'kin.

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya. Tama nga ako, may alam na siya.

"But, Kuya. I just can't. I don't deserve him.", nakayukong pag-amin ko sa kanya.

"Nigel, you deserve everything, okay? I know mahirap parin sa part mo. Because of that bullsh*t thing happened years ago." sabi ni Kuya na may halong galit ang boses.

Napatingin ako sa kanya. Sa labas siya nang coffe shop nakatingin,  kung saan makikita ang mga estudyanteng naglalakad sa labas.

"Don't you think, it's time for you to be happy for once, Gel? Ngayon lang kita nakitang naging ganyan sa isang tao, especially sa isang lalaki. So, now. Correct me if i'm wrong. May nararamdaman ka na rin para sa kanya, diba?" straight na sabi ni Kuya.

Halos manlaki mata ko sa sinabi niya. Pero agad akong nagbawi ng tingin at yumuko.

Hindi ko alam ang isasagot ko kay Kuya. For the 9th time since nakilala ko si Jonathan, i am lost for words!

- - - -

Hello guys! Hajimemashite? ^_^
Short update lang po ito. Na-miss ko kasing mag-update.

Honestly, ayoko na sanang ituloy itong TTWY eh. Medyo, torture kasi. Haha. Kaso something happened last night.
Bigla akong natauhan. At may one word din si ako, kaya itutuloy ko ito 'till the end ng story.

Thank you po ulit sa mga new readers ko! Pati sa mga super silent type na readers ng TTWS. . .

Arigatou gozaimasu!

sorry po ulit sa typographical errors!

-AM

'Till There Was You (On-Hold)Where stories live. Discover now