Anthem of love - a secret admirer

17 0 0
                                        

15 years old pa lamang noon si Mikaela Magsaysay "a.k.a mikay'' ng mamulat sa totoong reyalidad ng pamumuhay sa kabila ng kahirapan.
Simple at may Mapupungay na mata; masipag, magandang asal at higit sa lahat determinasyon sa buhay na mayroon sya.

Bagamat....
"Kapos man sa buhay Ang pamilya, Nananatili syang nag Susumikap sa pag aaral upang makatapos at makatulong sa kanyang mga magulang balang araw"

Ang nakababatang kapatid
Na si hulyo "a.k.a bunso" 9 years old na may kapansanan sa buhay o may tinatawag na down syndrome ay lubos na sobrang napakalambing sa kanyang ate na si mikay.

At ang mga magulang na sina tatay bentong ''Namamalakad ng isang kalakal sa isang maliit na Warehouse sa isang pwesto malapit sa tinitirhan nila at si Nanay fe naman ay bilang isang housewife''

Ang pamilyang Magsaysay ay lubos na masasaya at hindi makakakitaan ng kahit anong problema sa buhay maging pinansyal man o matiryal na bagay o kahit ano pa man.

Sa halip... napag uusapan nila ito ng maayos at napapakinggan ang bawat isa

Si mikaela ay dali dali tumatakbo pauwi..

"Habang ang ama ay..."

Tatay bentong: Nasaan na nga ba si mikay?! (Nag tatakang pagalit...)

Nanay Fe: Oo nga mahal hindi ba't nautusan mo bumili ng mantika para maiprito na ang naipamiling isda para sa pananghalian.,?

Mikay....! Mikay...(3x) "Sigaw ng Ina samantalang agad naman napakamot sa tainga si tatay bentong.

Mikaela: Tay, nay..! Heto po, pasensya na at natagalan ako. (Hingal habang nag papaliwanag).

Tatay bentong: Saan ka ba nag pupunta bata ka ha!?

Mikaela: Ah.. eh natagalan lang po ako pagkat madami-dami po ang namimili sa tindahan ni Aleng Simang. (si Simang ay isa sa may ari ng malaking tindahan sa lugar).

: Sya nga po pala tay 'nay; mag bubukas na ang bagong tayong iskul sa kalapit na baryo.

Tatay Bentong: Oh e anu naman?

Mikaela: Kasi po tay' nay.. gusto ko po sana ipag patuloy ang kagustuhan kong trabaho na hospital pharmacies and manufacturing industries.

:pupwede po ba ako sa iskul na tinutukoy ko sa inyo? Ang Our Lady of Fatima University" Bagong Branch po... "dagdag pa ni mikay"

Nanay fe: Eh anak teka hindi ko maintindihan ano ulit ang kurso na kukunin mo duon ha bata ka?

Mikaela: Bachelor of science in Pharmacy po Nay...
"Umaasang papayag ang mga magulang habang kinakausap".

Tatay Bentong: Eh anak naman oh, may kamahalan ang kursong iyon ah.!

Nanay fe: Aba eh Oo nga anak at saan tayo kukuha ng pang tustos sa pag aaral mo ha? At saka bakit mo pala naisipang kumuha ng kursong pharmacy...?

Anthem Of LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora