Khourtney Mansueto- Paparazzi

56 1 0
                                    

PHOTO 2

Khourtney Mansueto, 3rd year sa kursong Business Ad sa isang malaking unibersidad sa kanilang lugar. 5'3",morena, payat. Di naman ganoon kagandahan, di rin pangit, Medyo balanse lang kung baga.

Isa siyang hired photographer sa kanilang campus. Sikat na siya sa gawain niya at marami nang humihiram sa expertise niyang ito but of course marami na rin siyang kaaway, especially the varsities and heartthrobs sa school. Halos naman kasi na kliyente niya ay pawang mga babaeng patay na patay sa mga gwapong estudyante sa school kaya nabuhay ang raket niya. Kinikunan niya ng litrato kung sino ang gusto ng mga client niya pero syempre may mga special request rin, minsan gusto nilang in action ang mga crush like nag e-exercise or practice play, minsan rin yung mga wacky face pero kadalasan gusto ng mga ito na nakahubad ang mga biktima (upper lang poh, hindi yung halos wala nang saplot) . Tsk tsk. Kawawang mga gwapong nilalang. Kung alam lang nilang pinagpi pyestahan na ng mga manyak na mga babae ang kanilang pictures. Nakakaawa. She is a veteran at hiding and catching some scenes kaya na sa-satisfy niya ang mga kliyente at dumami sila ng dumami hanggang napag initan na siya ng mga heartthrob sa school. Trabaho lang, walang personalan.

Hindi naman siya papasok sa ganitong gawain kung hindi lang namatay ang kanyang papa at nalugi ang negosyong pinundar nito. Sa ngayon, siya na lamang ang bumubuhay sa sarili at sa kanyang nakababatang kapatid na nag-aaral rin sa parehong unibersidad.

Kaya heto siya, kahit na nahihirapan ay ginagawa ang lahat para lamang makapagtapos silang dalawang magkapatid sa kolehiyo.  Wala siyang balak huminto sa pag-aaral dahil patutunayan niyang mabubuhay siya kahit wala ang tulong ng ibang tao.

****

Napahikab na siya ng ilang beses habang nakaupo sa isang bench sa campus gazeebo. Tiningnan niya ang orasan sa cellphone. Pasado alas dos na pero wala pa rin ang hinihintay niyang tao. She checked her phone again, this time reading the text she got from an anonymous number.

campus gazeebo 1:30pm. I'll pay you 3k.

"Pambihira naman oh, propesyunal akong tao. Mahalaga ang oras ko tapos nasasayang lang sa taong hindi sigurado. jusmiyo!" reklamo niya sa sarili.

Kung hindi lang malaki ang babayarin nito ay hindi niya pag aaksaya ang oras sa paghihintay.

Ilang minuto pa ang lumipas ngunit wala pa rin ang kliyente niya. Aakma na sana siyang tatayo ng may pumigil sa kanya mula sa likuran.

"Huwag kang lumingon," sabi ng malaking boses mula sa likuran niya.

Napalunok siya. Nakakatakot ang boses nito, parang si Batman sa Dark Knight na movie.

Muli siyang napalunok. "Ba-bakit ngayon ka lang?" kahit siya ay nahirapang magalit. Bigla siyang na intimidate.

"Lalakihan ko na lang ang bayad ko sa perwisyong ito. Don't worry. I'll make it 5K if makukunan mo ng pictures si Gela at ang kanyang lalaki na may ginagawang kababalaghan sa likod ng kanyang boyfriend"

Lumaki ang mata niya. "Anu? si Gela? as in Gela Tolentino? Ang USG President? "

"Yes. I know your good at this job kaya ikaw na ang bahala. Text mo na lang ako kung natapos mo na."

Yun lang at nawala na ito sa likuran niya ng mabilis.

Si Gela? Imposible, hindi gagawin ni Gela na lokohin si Francis. Anghel ang turing ng lahat rito sa kanilang Campus president. Anyways, trabaho ito, walang personalan. Kung anu man ang kahihinatnan ng assignment na ito ay isa lang ang hahantungan. FIVE THOUSAND PESOS come to mommy. Her eyes shines brightly for money.

The Campus Paparazzi (On going)Where stories live. Discover now