chapter 5 First date

18.5K 504 17
                                    




Chapter 5

"A..Ang tangkad mo pala?"

Napatingin si Trevor sakanya habang lumalakad sila sa Parking Lot ng Airport. Inaya kasi siya nitong Mag miryenda. Dahil likas na matakaw siya hinding hindi siya aatras sa miryernda hihi.

Naiisip niya palang ang Burger at Fries kumukulo na agad ang tiyan niya. Lalo na siguro kung double cheese burger ang oorderin niya.

"Hmm? Di naman ako matangkad.. Mas matangkad pa sakin si Lance" Lumapit ito sa isang black BMW na kotse.

Aba bago nanaman ang kotse niya??

"Hindi ah. Sa tingin ko Mas matangkad ka kay kuya Lance.. " Tinitignan niya pa ang Built nito Mas macho at mas gwapo ka din kay kuya Lance hihi -nais niya sana iduktong

"Mas matanda ako kay Lance pero wag mo akong tatawaging kuya" Napangiti ito.

Palihim na ngumiti si Apple Joy dahil ang Gwapo nitong ngumiti. Jusko naman! Kailan kaya ito papanget??

"O..Okay.. K..Kotse mo yan?"

"Yup.." pinagbuksan siya nito ng pinto Kotse. Mukhang bagong bago pa ang kotse nito,

"G..Gusto mo yung kotse ko nalang gamitin natin?" Nahihiya siyang pumasok sa loob ng kotse nito dahil napakataba niya, Baka masira nanaman niya ang kotse nito

"Why?" naghihintay ito habang hawak padin ang pinto ng kotse

Tumingala pa si Apple Joy upang tignan ng husto ang mukha ni Trevor

"E..Eh kasi ang Taba ko baka masira ko lang yung kotse mo--"

"Sexy ka.. Wag mong isipin mataba ka.."

Napalunok siya sa sinabi ni Trevor "P..Pala biro ka pala no? Kanina nga tawag mo sakin Peppa"

"Haha. I'm sorry gusto ko lang tawagin kang peppa para may endearment ako sayo"

"Palabiro ka pala talaga" Napapailing nalang si Apple Joy. Naiinis siya dahil kinikilig siya sa mga banat nito. Grrrr. Sa Taba niyang ito ngayon lang siya nasabihan ng sexy no! Halatang nambobola ito

Pero bakit naman niya ako bobolahin??

Dahan dahan siyang pumasok sa kotse nito. Dahil mataba siya nag ingat siyang mabuti

"Hindi kita binibiro.. Dahil seseryosohin kita"

Muntik na siya mauntog sa kotse nito dahil sa Sinabi nito

WAAAAAAAAAAAAAA TREVOR !!!! Anong trip mo ha!! hihihi Kenekeleg ako!

Napakagat labi nalang ang matabang maganda, hihi

"B..Baliw.." Sa wakas nakaupo na siya sa kotse nito. Hindi naman masyadong lumagitnit ang kotse. Siguro dahil BMW ito kaya matibay

Dahan dahan nito sinarado ang pinto ng kotse. Pero ng mapatingin siya dito kinindatan siya nito

Umiwas agad siya ng Tingin kay Trevor.

Mga ganitong Lalaki paasa grrrrrrr

Umikot na ito sa Driver side. Napatingin ito sa seat belt niya. Halata kasing nahihirapan siya huminga sa seat belt niya

Grrrr bakit ba kasi ang Taba ko!!

"O..Okay lang ako, Wag ka nga tumingin ng ganyan"

"W..Wag ka nalang mag seat belt. Hawakan mo nalang yung kamay ko."

Napataas ng kilay si Apple joy sa sinabi ni Trevor

"H...Huh?" Nagulat kasi siya sa suwestion nito

ANG CHARM NG AKING BIL-BIL (Trevor Miguel Farier)--- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon