WDWs Collab By FGT

2 0 0
                                    


WATTPADER DREAM WORLD

Fan,General and Teen Fiction


"Lost Chance"


Napaisip ako habang naglalakad patungo sa tagpuan ng aking kasintahan. Dapat ko na bang sabihin sa kanya ang totoo?

Na minahal ko lang siya dahil gusto kong mapalapit sa kanyang kapatid.. na hindi na sya ang tinitibok nang aking damdamin.

Iniisip ko pa lang ay parang di nya kakayanin. Sa dulo na pag isip ko na naisip kong masasaktan ko siya at hindi niya ikatutuwa yon pero para saan pa ang pagpananatili ko sa tabi niya, kung hindi na ako nagiging totoo. Niloloko ko lang ang sya.. Pati sarili ko.

Ito na siguro ang tamang panahon para sabihin ko sa kanya, kahit alam kong magagalit siya at kakamuhian ako pero hindi ko na kayang magsinungaling pa...sasabihin ko na sa kanya kahit na ang kapalit nito ay ang pagkasira ng tiwala niya para sakin.

--

*DING!DONG!*

"Oh! Enzo napadalaw ka?" Mia.

"A-hhh andyan ba ang kapatid mo, Mia?" Enzo.

"Huh? Si ate Aliah? Kakaalis lang.." Mia.

"Saan nagpunta?" Enzo.
Nag iwas siya nang tingin sabay abot ng isang sobre.

"May iniwan siyang sulat, para sayo." Mia.

"Ahh ganun ba?" Tumango ako. Napakaganda nyang tingnan magkamukhang magkamukha sila ng ate nya.

"Ahmm wait bat parang hindi ka mapakali dyan?" Mia.

"Ahh wala..aalis na ako pakisabi na lang kay Aliah na pumunta ako." Sabi ko at umalis na.

"Teka! Sandali.."

"Bakit?"

"Hindi nya pa ba sinasabi?"

"Ang alin?"

"Ah.. Wala. Basahin mo na lang yung sulat."

Kahit nagtataka ay hinayaan ko lang at dumiretso palabas ng bahay dala ang bigay niyang sulat sakin.

---
Bahay

Pagkarating ko sa bahay ay dali dali kong binasa ang bigay niyang sulat. Di ko maiwasang mapangit sa maganda niyang sulat kamay.

Mahal kong Enzo,

Enzo.. Patawarin mo ako sa aking gagawing desisyon.. Alam kong ikakasama ng loob mo nang aalis ako ng walang paalam kaya isinulat ko rito ang mga nais ko sanang sabihin sayo ng harapan. Nais ko sanang malaman mo na mahal na mahal kita.. Pero sa mga nakikita ko sa iyong mga mata ay di na yung tulad ng dati na kay saya ng pag iibigan natin.. Ngunit nag iba na.. Ramdam kong hindi na ako ang nilalaman ng iyong damdamin.. Patawad ngunit kahit hindi mo man aminin may gusto ka sa aking kapatid. Habang binabasa mo ito ngayon ay bagamat sumasailalim na ako sa isang operasyon sanhi ng aking sakit. Patawad dahil ngayon ko lang ito sinabi.. Ayaw kitang mag alala.. Sa oras na matapos ang operasyon.. Dalawa ang posibling kalalabasan.. Iyon ay magiging matagumpay o dahilan ng aking maagang pagpanaw..

Nagmamahal 
Aliah,

Sakit ang buhay sa akin sa oras na ito, gayong nabasa ko ang sulat.. Parang isang gripong ayaw tumigil sa patuloy pagluha. Dapat di ko sinayang ang mga pagkakataong nakasama ko sya..
Dapat.. Dapat..
Dapat di ko sinayang ang mga pagkakataong nakasama ko sya ng matagal..

WDWs Collab One Shot StoryWhere stories live. Discover now