Chapter Eighteen

Magsimula sa umpisa
                                    

Lumipas ang araw na lahat ng nakakasalubong ko binabati ako. May mga nagregalo pa sa akin. Tapos si kuya France niregaluhan ako ng The Hunger Games Trilogy na libro. (Tapos ko na yung dalawa, Mockingjay nalang ang hindi ko nababasa.) Pati mga prof namin, mukhang tanga pa nga eh, kinakantahan pa ako ng mga classmate ko, parang elementary. Nag-aabang ng libre ang mga tropa ko dahil alam nilang pinadalhan ako ng malaking pera ni papa ko, pangako ko din kasi na ililibre ko sila pero wala eh. Natatamad ako.

Umuwi na ako, mga five ng hapon. Natulog muna ako sandali at nagising ako ng mga 7:30, wala pa rin siya. Nasaan na kaya si Abby? Napatingin ako sa phone ko na naka-patong sa side table. Tetext or tatawagan ko ba siya? Wag nalang, hihintayin ko nalang siya.

Naligo na ako, at nagbihis, wearing the T-shirt na binigay niya nung huling birthday ko. T-shirt na V-neck na kulay dark grey na may parang design na tagpi tagping tela. Medyo baduy pero magaling naman ako magdala ng damit, lahat bumabagay sa akin, wag lang pambabae. Nagsuot din ako ng jacket na black, tapos pants na fitted pero hindi skinny ah, pamabakla yung skinny jeans. Pagkatapos kong magbihis eh umupo na ako sa sofa and I patiently waited. Eight na.

Binuksan ko na lang yung TV. Nakatitig lang ako sa screen pero hindi ko naman naiintindihan yung pinapanood ko kahit tagalog pa yun. Nakafocus ang utak ko kay Abby, iniisip ko kung nasaan na siya. Siguro kasama ni Xander. Sakit non kung totoo man. Okaya man doon sa Aldrich.

Kaiisip ko hindi ko namalayan na 10:00 PM na. Damn nasaan na kaya siya? Sinubukan ko siyang tawagan pero walang sumasagot. Busy? Tapos na ang school hours ahh. Sinubukan kong tawagan si Violet kaso hindi rin sumasagot. Nasaan na ba si Abby?

Eleven ng gabi, medyo pumipikit pikit na ang mata ko pero, hihintayin ko siya kahit ano ang mangyari. Nakapatay na yung TV nagmumunimuni nalang ako dito sa sofa.

11:30..

Sana dumating ka na Abby.. Kahit batiin mo man lang ako bago mag 12:00..

11:45..

Tinawagan ko si Violet.. Sumagot siya, “Hello Violet, si Abby? Kasama mo ba?”

“Oo nanood kami sine, kasama si Aldrich.. Happy birthday nga pala Elaz, tinext kita kanina kaso di ka naman nagreply.” Nanood pala ng sine ah, kasama pa yung ex niya. SHIT! Feeling ko may mabigat sa puso ko, ang sakit. Ikaw nalang ang inaasahan ko sa birthday ko, ex mo pa ang pinili mo. Salamat Abby.. Salamat sa pagpapaasa.

11:59..

Last one minute.. Nakakasama lang ng loob eh. Ang tampo ko napalitan ng inis nung narinig ko yung name na Aldrich.

12:00..

Sakto biglang bumukas yung pinto, narinig ko siyang pumasok, sabay sumara. Narinig ko na ang yabag ng mga paa niya na papalapit sa akin. Hindi ako tumitingin sa kanya. “Hi,” sabi niya. “Hi,” sabi ko, hindi ko naitago ang pagkadismaya at pagkasama ng loob ko sa tono ng boses ko. Ang sakit naman kasi eh. Naramdaman kong lumakad pa siya papalapit sa akin, hindi pa rin ako nakatingin sa kanya. “Kamusta?” tanong niya. Eto, masama loob, kinalimutan mo ang birthday ko, at lumabas kayo ni Violet kasama ang ex mo na pinagseselosan ko. Yung ex niya na reason kung bakit nagpumilit akong lumipat sa apartment ni Abby. Problema lang wala akong karapatan na magselos. Putanginang selos yan naimbento pa!

Sexy Neighbor [Completed+ EPILOGUE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon