A. Wasted Chance

468 9 2
                                        

Second year college student na ako. Engineering. Makapal ang mukha no? Hindi magaling sa math pero nag-engineering? Tiyaga naman kasi ang kailangan mo para maging engineer ka eh. Tingnan mo ako, umabot na ng second year pero going strong pa din kami ng math kahit siya masyadong mabait sa akin hahahaha

Nakapila ako sa jeep papunta sa school namin nung may mapansin akong lalaki. Naka-gray long-sleeves sya, orange na headphones, fitted pants at boots. Alam ko na sa imagination niyo eh panget yung itsura ni kuya, kasi maski ako natawa sa kapangitan ng itsura nya. Nakatalikod sya sa akin kaya hindi ko nakita yung mukha nya. Tinigilan ko siyang tingnan nung nakita kong parating na yung bagong jeep na sasakyan namin. Nakakahiya namang sundan ko pa ng tingin, baka kasi matawa lang ako sa itsura nya, mahuli nya ako at mapa-away pa ako ng wala sa oras.

Naglalakad ako papunta sa cafeteria nung halos mag-hang na yung phone ko sa mga received messages galing sa bestfriend ko

Asan ka na?
ASAN KA NA?
ASAN KA NAA?
Where na you?
WER NA U?
SAN KA NA?
Punyeta!
Asan ka na?
 

Ayan ang laman ng halos 50 messsages nya na kaka-received ko lang. Watdapak, di'ba? Sabagay, problema ko din naman kasi yon, hindi ako naglo-load regularly eh. Ang last message nya:

CAFE.

Wow! Masyadong mahaba, nalunod ako. Hindi man lang, nasa cafe ako, dito ka na diretso. O kaya, nasa cafe ako, wait kita. CAFE. 1 word. Walang meaning, just a place. Hahahahahah. Bestfriend ko yan! Napakahusay. Sarap kutusan.

Pumasok ako sa cafe at nakita ko agad yung naka-dilaw na babae na nagbabasa na naman ng librong hindi ko malaman yung title.

"Si Patrick?" tanong ko sa kanya paglapit ko.

"Aba malay ko," sabi nya habang hindi nakatingin sa akin. Nahihiya ata to eh, medyo pigil yung boses.

Umikot ako at nakita ko si Patrick. Yung isa pa naming tropa. Mukha akong tanga na tumakbo don sa kinaruruonan nya at nagsasasayaw pa. Ang sayaaaa! Ngayon ko lang ulit sila nakita. Buong bakasyon kaming hindi nagkita. 2 months kaming walang contact. Ewan ko doon sa bestfriend ko kung bakit parang nahihiya. Hindi naman ganun yon eh. Asa ka pang tamaan ng hiya yun. Usually, madaldal at loud yon eh.

Sobrang daldal ko don kay Patrick na lumagpas na pala yung 30 minutes na hindi ko namamalayan. Nilingon ko si bestfriend at napansin ko na mag-isa na sya sa table nya sa cafe at kumakain na siya. Nagpaalam na ako kay Patrick at tumabi sa kanya.

"Anong katangahan ang meron ka kanina't ang tahimik mo?" pasigaw na tanong ko sa kanya.

"Gaga! May kasama ako kanina dito. Tropa ni Sam. Transferee. Ka-year natin. Susginoo, nakipagkilala sa akin, hinawakan pa kamay ko. Ang gwapo! Ang lambot ng kamay at inglisero. Kaya tahimik akong gaga ka kasi dinugo ako dun sa dalawa. Tapos ang ingay-ingay mo, napatingin pa man din sa'yo, nawirduhan ata. Ipapakilala sana kita kaso mukha kang tanga na pinuntahan si Patrick" pasigaw na sagot nya dun sa tanong ko.

Nakakahinayang, hindi ako naipakilala. Tsk, tsk. "Sorry na. Aysus, gwapo? talaga?" tanong ko kasi medyo na-peak yung interes ko. Gano kaya kagwapo yun para sabihan ni Kim na gwapo?

"OO! Paulit-ulit?!" pasigaw nyang sabi

Hindi na ulit ako nagtanong kasi who am I to judge her taste? Hahaha, joke lang. Pareho kasi kami halos ng views sa lalaki netong babaeng ito. Kaya yung gwapo para sa akin eh gwapo na rin para sa kanya (kung mag-aagree sya) at yung gwapo para sa kanya eh gwapo para sa akin (na hindi ako maka-disagree kasi talo ako lagi sa debate).

Unang araw ng klase kaya walang masyadong ganap. More on, class policies and etc lang kami. Nagutom kami para sa wala. Pero all in all, ayos naman yung araw namin.

We got to meet yung magiging Physics, Calculus2 at Chem professors namin.

Unang araw pa lang, dyahe na kasi puro mabigat na prof yung napunta samin. Medyo maganda yung start ng school year na ito so I pray na sana magtuloy-tuloy na sya.

Pagdating ko sa bahay. Natulog ako agad. Hindi na ako nagpa-load, makakaintay naman yun bukas. Sana lang maalala ko. Kawawa naman kasi phone ko, nasisiraan ng sim kasi hindi nalo-load-an. Kaya minsan namu-mura ako ng mga kaibigan ko eh.

Unreachable [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora