*ting*
*ting*
*ting*
Akala niyo doorbell? Haha well tunog lang naman yan ng cellphone kong kakabukas lang ng wi-fi. Ganyan lagi yan, mag p pop-up agad yung mga notifications ko galing sa iba't ibang account ko. Akala niyo marami na akong ka chat? O di kaya ay marami akong likers sa social media ko kaya lakas maka pop-up ng mga notifications ko. Hahaha Yan! Dyan kayo nagkakamali. Yan mga nag tututunog na yan ay galing lang sa mga group chat na ang usapan ay puro projects at ang iba naman ay galing sa facebook ko na lakas maka notif ng mga may birthday ngayon!
Pero kahit puro group chat lang yan e, may pake naman ako diyan.
Opppss! May bagong nag message o?!
" Tingnan mo nga naman si Leo Madrigal pa ang nag message!
Shemay!"
* Si Leo nga pala ay yung kaklase ko nung 1st year highschool pa ako! Ang gwapo netong lalake na ito. Pero bakit kaya ako chinat neto? *tingin sa message* and ~~~
"nyek! Bakit nag wave to sa akin?! Shokla mani popcorn! Napansin mo na ako leo babes!!!"
Rereplyan ko ba ito? *Arghh kaso nahihiya ako!*
"I-wave ko rin siya hahahaha" pinatay ko ang cellphone ko matapos kong mag wave back.
"Haysss! Panibagong Araw na naman ang aking gagawan ng istorya!"
Nanalangin muna ako bago bumangon at dumaretso sa banyo para umpisahan ang aking ritwal. Habang naliligo ako e. Nagbabawas na rin ako haha! After ko maligo ay nagbihis na ako at bumaba ng hagdan upang kumain ng niluto ng pinsan ko.
"O Angge! Andyan ka na pala. Halika na't sumabay sa akin, kain na tayo."
Umupo na ako sabay sumandok na rin ng kanin pati ng ulam at nag daretso na sa pagkain. Busog!! Hinugasan ko na ang aking pinag kainan at umakyat na sa aking kwarto.
Maglilinis ako ng kwarto ngayon. Pag naglilinis ako ng kwarto ko binubuksan ko ang laptop ko at nagpapatugtog para ganahan ako sa paglilinis. Inipit ko ang aking buhok at sabay kuha sa pandakot at tambo.
*walis dito. Dakot doon. Tapon dito. Punas doon*
di ko na namalayan na 2 oras na pala akong naglilinis at syempre tapos na rin naman agad ako don! Naglinis ulit ako ng katawan tsaka dumaretso sa kama ko at nahiga.
*ting*
*ting*
Kinuha ko ang cellphone ko matapos kong marinig ang tunog ng kararating lang na message. Galing pala ito kay Leo.
"Hi Angelina, kamusta ka na?"
"Tanda mo pa ba ako?" Chat ni Leo. Aba anong akala neto, ulyanin na ako?!
"Hi Leo, oo naman kilala pa rin kita. Tatlong taon lang naman tayo di nagkikita e." *send*
After 5 mins
*ting*
Tiningnan ko muli kung ano yun at si Leo pala
"Uy Angelina, kinakamusta lang talaga kita. May gagawin pa kasi ako hehe. Sige ingat ka ha! Goodbye! Next time ulit! Bye! "
tingnan mo nga naman, nag wave lang tapos bye agad! Aba naman di pa natagal ng 24 oras ang usapan namin ending agad? Paparamdam tapos tatapusin din agad!
*seen* yan na lang sayo!
The End
Hahaha umasa ka ba na magkakatuluyan sila? Sorry pero walang happy ending sa pa-wave na yan! Kaya next time na may mag wave sayo wag ka na mag wave back pa dahil bored lang yan mga yan at trip ka lang nila! Wag ka mag padala dyan sa mga ganyan! Aasa ka na may Forever na sa wave na yan? Jusko teh! Ikaw lang ang masasaktan sa dulo.
YOU ARE READING
BABALA: WAVE-BYE
Short StoryBiktima ka na ba ng *wave* sa isang maunlad na application ng mundo ngayon? Itutuloy ba o papansinin ko pa?
