Ikaanim na Kabanata

Start from the beginning
                                    

"G-girl.." nagulat siya ng bumukas ang pinto ng kwarto niya at tumambad sa kanya si Jelly kasama si..

"M-mikko?" gulat niyang sabi.

"Mag-usap tayo." Seryoso nitong sabi.

"Umalis ka na." Matipid niyang sagot.

"NO! I am not going out of here hangga't hindi mo sinasabi kung anong nangyayari sayo!" Matigas na sabi ni Mikko.

"J-jelly, iwan mo muna kami." sabi Christina sa mahinang boses. Paos na paos na siya kakaiyak.

"Anong gusto mong malaman?" malumanay na sabi ni Christina paglabas ni Jelly.

"Everything. About what happened to us, about your past. LAHAT! Lahat ng nangyayari ngayon na hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari! Ipaintindi mo sakin, Christina. Please, ipaintindi mo sakin." umiiyak na sabi ni Mikko. Parang dinudurog naman ang puso ni Christina ngayong nakikita niya ang kalagayan nito.

Huminga siya ng malalim bago magsalita.

"Okay. I'll tell you everything. Everything you wanna know."

"Makikinig ako." matipid na sagot ni Mikko.

"Namatay ang mama ko sa panganganak sa akin." Pagsisimula niya. "Tatlong taong gulang ako nang mag-asawa ulit ang papa ko, pero namatay rin siya sa isang aksidente. Naiwan ako sa stepmother ko, ipinangako niya sa papa ko na aalagaan niya akong mabuti at hindi pababayaan. Pero kahit kailan hindi siya naging mabuti sa akin, maging ang bago niyang napangasawa." Nagsimula nang tumulo ang luha ni Christina. "Sa mura kong edad, ginawa nila akong alila. Lasinggero ang stepfather ko, habang sugalera naman ang stepmother ko. Walang silang ibang ginawa kundi mag-inom at magsugal. Lahat na yata ng trabahong kaya ko, pinasok ko para may maipangkain ako pero kinukuha lang rin nila lahat ng kinikita ko. Halos araw-araw, tira-tira ng kapitbahay ang kinakain ko. Umabot pa sa puntong halos isang linggo akong hindi kumain. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, akala ko mamamatay na ko non." pagpapatuloy niya, iyak pa rin siya ng iyak.

"Isang gabi, umuwi yung stepfather ko ng lasing na lasing. Yung stepmother ko naman, nasa lamay pa nung mga oras na yun, nagsusugal pa rin. T-takot na takot ako, hindi ko alam ang gagawin ko.. P-pagkatapos... bigla siya pumasok sa kwarto ko.. A-at. At.." napahagulgol na siya habang binabalikan ang nangyari noon. "G-ginahasa niya ako.. ginahasa niya ako ng walang kalaban-laban. G-gustung-gusto kong sumigaw. G-gustung-gusto kong tumakbo. P-pero hindi ko m-magawa. P-pitong taong gulang pa lang ako nun, at wala akong kalaban-laban sa kanya.. W-wala akong nagawa kundi ang umiyak lang ng umiyak..." gulat na gulat si Mikko sa narinig. Yayakapin niya sana si Christina ngunit muli itong nagsalita.

"D-dahil sa ginawa sakin ng hayop na yon... N-nabuntis ako.. Sa mura kong edad, n-nabuntis ako.. Hindi ko rin alam noon kung paano nangyari yon. But lately, as I do my research, I knew that that case, an early development of the reproductive system called precocious puberty, is very rare for a little girl to get pregnant at her early age. Dalawa sa sampung batang babae ang may ganong condition, at isa ako dun. Nagsumbong ako sa lahat ng pwede kong pagsumbungan pero wala.. W-walang naniwala sa akin. W-walang kahit sinuman ang naniwala sa akin. S-sa halip, sinabihan pa nila ako ng malandi, pakawala, at walang pinag-aralan. Pinalayas ako ng madrasta ko. Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na yun. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. N-napakabata ko pa para mabuntis. T-takot na takot ako. Pero hindi ko pinabayaang mawala ang batang dinadala ko. Ipinanganak ko siya ng mag-isa. Hindi ko rin alam kung paano ko nagawa, basta nangyari na lang. Walong taong gulang pa lang ako nung ipinanganak ko siya. Hindi ko alam kung paano ko siya bubuhayin. Hindi ko alam kung saan hahanap ng ipapangkain sa kanya dahil kahit gatas wala akong mailabas. Ni wala akong ideya kung paano magpalaki ng bata, dahil kahit ako mismo, hindi ko naranasan iyon. Kahit mabuhay bilang isang bata, isang batang malayang gawin ang lahat, hindi ko nagawa. W-wala na akong maisip na iba pang paraan. A-ayokong makita siyang mamatay nang wala manlang akong nagagawa. Isang bagay na lang ang naisip ko at yun ang ginawa ko. I-iniwan ko siya.. I-iniwan ko siya sa harap ng isang simbahan. M-masakit yun para sa akin pero wala na akong nagawa. N-nagdasal na lamang ako na sana mabuting tao ang makapulot sa kanya.." patuloy pa rin sa pag-iyak si Christina habang si Mikko ay tahimik lang na nakikinig sa kanya.

"Nasaan na yung bata? Nakita mo na ba siya? Nahanap mo na ba siya?" sunud-sunod na tanong ni Mikko.

"O-oo.."

"Sino? Saan? Sabihin mo kung saan ko siya makikita.. Kukunin natin siya.. Tell me, Christina.."

"I-ikaw.." nagitla si Mikko sa narinig pero hindi niya ito inintindi. Pinilit niyang tumawa para isiping nagbibiro lang ang dalaga.

"Stop joking, Christina." pilit ang tawang sabi ni Mikko.

"Hindi ako nagbibiro, Mikko. Ikaw ang a-anak ko.." nagsimula na naman siyang umiyak.

"Then prove it to me!"

May dinukot si Christina sa kanyang bulsa at iniabot ito kay Mikko.

"Y-yan.. Yan ang patunay. Isinuot ko yan sayo bago kita iwan sa tapat ng simbahan at hindi ako pwedeng magkamali dahil nag-iisa lang yan. P-papa ko ang gumawa niyan para sa akin." nauutal na sabi pa nito.

Tinitigan namang mabuti ni Mikko ang kwintas na hawak-hawak niya. Ito ang kwintas na ibinigay sa kanya ng mga umampon sa kanya, suot-suot niya raw ito nang ampunin siya ng mga ito.

"L-loving you is the sweetest mistake I ever did and I'd love to do it again and again. B-but M-mikko.. Ana-" bago pa matapos ni Christina ang sasabihin ay tumakbo na palabas si Mikko at naiwan siya doong umiiyak.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now