''O sige hija ikaw na bahala diyan..''sabi ni manang tsaka pumasok sa loob.sabagay tapos na yung kaeklabushan ni washing washing ano ba yan di ko mabigkas yung isa.....Yun pinatuyo ko sa tinatawag nilang dryer,hoy kayo naman siempre tinuro sakin ni manang yun n0hhhh.....

Pagkatapos kong pabanguhin,palambutin,pagandahin ang mga damit ni sungit pinunta ko na ang mga yun sa kwarto ko at tsaka pinlantsa alangan naman kasing sa kwarto ako ni sunget magplantsa?He baka bawasan sweldo ko.

Plantsa dito plantsa doon,hay naku ang hirap mamalantsa namamanhid na yung kamay ko ang dami kasing damit ni sungit eh.Nagpahinga muna ako ng saglit at tinuloy na ang Plantsahin mode..

''Sa wakas natapos RIN!!!!!!!''sabi ko sabay higa sa kama ko.

Kaso ititiklop ko pa ang mga ito.HAAAyyyyy wala man lang bang kayang gawin si sunget ni isang trabaho?ano ba yan napaka tamad!!!sabagay maraming pera kaya di kailangan mag paka hirap.Pasalamat siya mabait ako kundi baka kanina pa nag resign na ako sa pesteng trabaho na to.      TINIKLOP ko na  ng TINIKLOP ang mga damit niya,grabe napapansin ko halos ng mga damit niya black ah.tsssss momo?

Pagtapos kong itiklop ang mga yun pumunta na ako sa kwarto ni sungit,Ayos wala pa siya!inilagay ko na ang mga damit niya sa lalagyanan niya ng damit.Tssss sana naman wala siyang masabing kung ano sa ginawa ko ngayon grabe pawis at libag ang ginamit ko para lang pagandahin,paputiin,pakinisin,palambutin ang mga magagara niyang damit.

Natapos na rin ako sa trabaho ko ngayon.

Time check: 9:48 pm

gabi na rin pala di pa ako nag hahapunan ,ok lang di naman ako gutom eh,Nasan na kaya si sungit?Hphhhhh bakit ko ba siya inaalala?Pumunta na ako sa tulugan ko at nahiga na at tinanggal ang rubber shoes. yung suot ko ay (damit ng katulong na maikli na hanggang binti na tapos naka rubber shoes.)O diba!!!

BOOOOGSSSHHHHH

''Aray!,lagi na lang ba ang pampagising ko na ay tuwing nahuhulog ako sa kama?aishhhh''sabi ko sa sarili ko habang tumatayo na.Nagmumog na rin ako at nag ayos.Sinuot ang rubber shoes nag suklay.Yun lang at bumaba na.

Habang nasa baba ako ay nililinis ko yung mga flower base,wala kasi magawa eh,Tulog pa siguro si Sungit habang nililinis ko yung vase may narinig akong bumababa sa hagdan,tingin ko si sungit na yun.Tumingit ako dun at oo nga si SUNGIt nga!!!!! biglang nag bow ang mga katulong at siyempre maid rin ako dito edi nag bow rin ako.

''Hey stupid!linisin mo buong kwarto ko!''sabi ni sungit.ewan ko kung sino.Nung humarap ako naka tingin pala sakin si sungit

''Ako?(tinuturo ko ang sarili ko)''sabi ko

''Who else bustard''sinabi niya at biglang tumagilid ang ulo.Grabe tuwing gumaganyan siya bumabalik ang Inis mode ko!!!

''Oo na''sabi ko

''What did you say?''sabi niya

''Ano ba?bingi ba bingi ba?''sinabi ko,kasi kung naiinis ako edi nang iinis rin ako.

Bigla niyang itinikom ang kamao niya at tsaka sinabing....

''Get loss!!!!!!''sinabi niya at umalis na.Sabi na!tuwing nagaaway kami lagi siyang nag wawalk out!hihihi lagi ako panalo....

Pumunta na ako sa kwarto ni.o.0 grabe kagabi napaka linis nito ah bakit ngayon akala mo dinaanan ng sampung kabayo!

Nilinis ko na yung kwarto ni sungit....(wala akong gana ipaliwanag kung pano ko maglinis mahirap eh)

Pagtapos kong maglinis sa kwarto ni sungit bigla kong nakita na naka bantay siya dun.Tumango nalang ako at binalewala siya.

''Hey stupid!!''bigla niyang sigaw sakin.Dipa rin ako lumilingon dahil di naman stupid,annoying,bustard ang pangalan ko eh.

''DAMN!!''sigaw pa rin niya,Takte sige magmura ka lang diyan ng magmura ewan ko lang sayo

''Che!hindi damn,stupid ang pangalan ko!''lumingon ako sa kanya at sinabi yun

''Urghhh fine I don't want to know your name!''sigaw pa rin niya

''Ang sungit mo naman o sige na Kyla pangalan ko!''sigaw ko sa kanya at tsaka umalis na

PANGET NG UD KO NGAYON

MPMMS:Ms Probinsyana meet Mr.Sungit! [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon