Prolouge

14 1 0
                                        

Minsan ang love story natin ay walang happy ending. Hindi lahat ng lumalaban ay nagiging masaya bandang huli at minsan hindi lahat lumalaban hanggang huli. Hindi natin hawak ang tadhana pero pwede natin diktahan ang mangyayari. Hindi natin kayang kontrolin ang oras pero pwede nating gamitin kung anu man ang gustuhin natin. Puwede tayong mamili kung sino ang gusto nating makasama pero hindi natin kayang papiliin kung gusto ba tayong makasama. Ibat iba man ang dahilan iisa parin ang kalalabasan. Tulad ng puso't isipan, hindi pwedeng pag sabayin sa mag ka-ibang paraan, pero pwede mong pag samahin sa iisang dahilan. Lumaban oh sumuko, manatili oh lumisan, pumili oh ipag liban, marami ang mga tanong na hindi lahat nasasagot pero may mga paliwanag sa hindi malinaw na sagot.

Kung bibitawan ka niya, bibitaw ka ba?
Kung sasabihin niya na oras na para pakawalan mo na siya, pakakawalan mo ba?
Kung napapagod na siya, mapapagod kana rin ba?
Kung sumusuko na siya, susuko ka na rin ba?

Kung ikaw ang tatanungin, kaya mo bang manatiling mag isa, palipasin ang oras, panahon, pang hawakan ang salitang siya lang ang mamahalin oh mag papatuloy sa agos kahit iwan ka niya nang mag isa at hanapin ang bagong tinadhana.

Ikaw ang mag papasya sa buhay mo. Nasasayo kung susunod ka oh mananatili sa paraan na alam mo. Matututo sa maling kinalabasan oh mabigo sa alam mong tamang paraan.

Maky Vi WinschesDes histoires addictives. Découvrez maintenant